P35M natangay ng mga nanloob ng bangko sa Tuguegarao | Bandera

P35M natangay ng mga nanloob ng bangko sa Tuguegarao

- August 01, 2018 - 03:21 PM

TINATAYANG aabot sa P35 milyong halaga ang natangay ng limang nanloob sa isang bangko matapos namang magpanggap na pulis para mapasok sa loob.

Sinabi ni Tuguegarao police chief Supt. George Cablarda na nakasuot ng uniporme ng pulis at bonnet ang mga suspek nang katukin ang pintuan ng isang commercial bank, Tuguegarao  Branch na matatagpuan sa kahabaan ng Luna st.

Naisahan ang guwardiya ng bangko dahilan para buksan ang pintuan.

Sinabihan ang security guard ng hindi naka-iskedyul na inspeksyon ng pulis.

Matagumpay na nadisarmahan ng mga suspek ang dalawang security guard at mabilis na umakyat sa ikalawang palapag ng bangko at tinangay ang pera sa mga teller ng bangko habang tinututukan ng baril.

Tumakas ang mga suspek sakay ng isang van at naghagis pa ng pekeng granada para hindi sila sundan.

Sinisiyasat na ng mga imbestigador ang CCTV ng bangko para makilala ang mga suspek.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending