Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
7 p.m. Barangay Ginebra vs San Miguel Beer
PARA masungkit ang 2-1 bentahe sa kanilang serye ay alam na ni San Miguel coach Leo Austria ang kailangan niyang gawin at alam na rin ni Barangay Ginebra coach Tim Cone ang hindi niya dapat gawin.
Kasalukuyang tabla ang best-of-seven series sa 1-all matapos na tambakan ng Ginebra ang San Miguel sa Game One, 127-99, at tambakan naman ng Beermen ang Gin Kings sa Game Two, 134-109.
Ang Game Three ng PBA Commissioner’s Cup finals ay mag-uumpisa alas-7 ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.
Ayon kay Austria, naglaro lamang ng “70%” ang San Miguel sa unang laro pero sa Game Two ay ipinakita ng Beermen ang kanilang “100%” para maitabla ang serye.
Matapos na manaig sa Game One ay sumugal naman si Cone sa Game Two at nagtamo ng masamang pagkabigo.
“We tried to disrupt their game plan and we kind of fell right to it,” sabi ni Cone matapos na alisin sa starting unit sina 7-foot Greg Slaughter at do-it-all guard Scottie Thompson sa Game Two. “We made turnovers early, nine in the first quarter, and they turned that to transition points and easy baskets. It kind of mushroomed from there. We never recovered.”
Bagaman nagpakita pa rin ng never-say-die attitude ang Gin Kings sa Game Two ay maagang nakalamang ang Beermen at nahirapan ang Ginebra na makahabol.
“We outhustled them,” sabi naman ni Austria na pinuri ang kanyang koponan sa extra effort na kanilang ipinakita sa Game Two. “This is our game.”
Para sa Game Three ay si Cone naman ang gagawa ng “adjustment” para bumalik sa kanila ang bentahe ng serye.
Bagaman tambakan ang unang dalawang laban ay naniniwala ang magkabilang coach na halos pantay lamang ang labanan sa Finals.
“It certainly got chippy and you will see that the whole series,” sabi ni Cone na may 20 kampeonato na sa liga.
“We’re sister teams but we’re not friendly. We see them as a mountain to be conquered and they see us as a threat to their throne. There’s no love lost between sister teams. I don’t think it’s going to be laid down for either team. We’re coming out hard. I expect it to be chippier.”
Samantala, nagpataw ang PBA ng kaparusahan sa mga kasali sa mainit na komprontasyon sa Game Two.
Sina Renaldo Balkman at Arwind Santos ay pinatawan ng P5,000 bawat isa sa kanilang flagrant fouls.
Si San Miguel guard Chris Ross naman ay may P2,600 mula sa dalawa niyang technical fouls at sina Joe Devance at Kevin Ferrer ng Ginebra ay pinagmulta ng tig-P1,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.