Ahron napaiyak nang mapag-usapan ang yumaong lola
DAPAT sana’y masaya ang magiging daloy ng kuwentuhan namin nina Ahron Villena at Kakai Bautista nang dalawin nila kami sa “Cristy Ferminute” nu’ng nakaraang Lunes. Pero biglang nagbago ang tema, napaiyak ang guwapong binata, dahil naalala niya ang pumanaw niyang lola.
Sanggol pa kasi si Ahron nang iwan ng kanyang ina, walang-wala sa kanyang kamalayan ang itsura nito, lumaki siya sa pagkandili ng mahal niyang lola na kung tawagin niya ay Inay.
Lumaki siya sa amoy ng damit ng kanyang lola, hindi siya nakakatulog nang hindi nakayakap sa kanyang Inay, kaya nang mapag-usapan namin ang namayapa niyang lola ay hindi napigilan ni Ahron ang pagiging emosyonal.
Mugtung-mugto ang mga mata ng makinis na aktor, ang mga tisoy pa naman kapag umiiyak ay nagmimistulang makopa ang ilong, napatalikod na lang ang mahal naming aktor habang humahagulgol.
Maligaya kami para kay Ahron sa pagbibida niya sa “Harry & Patty” ng Cineko Productions katambal ang matagal nang aminadong nahulog ang kalooban sa kanya na si Kakai Bautista.
Sila man daw ay hindi makapaniwala, napakalaki ng pasasalamat nila sa Cineko Productions, dahil sa pamumuhunan sa kanilang pelikula na palabas na sa araw na ito.
q q q
Nais naming magtawid ng personal na pasasalamat sa pamunuan ng MX3 dahil sa nakikita naming kaginhawahan ngayon ng pakiramdam ng aming kapatid na si Dikong Nildo at ng aming PA na si Tina Roa.
Araw-araw kaming saksi sa paghihirap ni Tina sa paggising pa lang niya, hindi niya maidiretso ang kanyang mga daliri, naninigas ‘yun na hindi niya maintindihan ang sakit na hatid sa kanya.
Hanggang sa isang araw ay may nagregalo sa amin ng isang kumpletong medical kit ng MX3. Sina Dikong Nildo at Tina Roa ang umiinom ng gamot, tsaa at kape ng MX3.
Parang nagdahilan lang si Tina pagkatapos nang dalawang araw. Naididiretso na niya ang kanyang mga daliri, itinabi na ng aming kapatid ang tungkod na ginagamit nito sa paika-ikang paglalakad, parang may milagrong hatid ang mga produkto ng MX3.
Regular na kaming bumibili ngayon ng mga epektibong produkto para kay Tina Roa na masayang-masaya dahil diretsong-diretso na niyang naikikilos ngayon ang kanyang mga daliri.
Maraming-maraming salamat sa mga taong nasa likod ng MX3, pinagaan n’yo ang problema ng aming kapatid at PA, ibang-iba talaga ang hiwagang hatid ng mga gamot-produktong organic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.