Staff ni SAP Go 'comatose' matapos umanong mag-suicide | Bandera

Staff ni SAP Go ‘comatose’ matapos umanong mag-suicide

|July 31,2018
facebook
share this

Staff ni SAP Go ‘comatose’ matapos umanong mag-suicide

- July 31, 2018 - 02:29 PM

SINABI ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go na comatose ngayon ang isa sa kanyang mga staff matapos magbaril umano sa sarili sa Davao City, alas-10:45 ng kaninang umaga.

Ayon kay Go ang nagtangka ay nasa late 30s, regular na empleyado sa  Davao City mayor’s office.

Idinagdag ni Go na sa loob umano ng stock room ng extension office ng Office of the Mayor nagbaril ang empleyado.

Hindi na binanggit ni Go kung bakit nagtangkang pagpakamatay ang lalaki, bagamat sinabing personal ang dahilan nito.

Ani Go kasama ng lalaki sa San Pedro Hospital kung saan siya isinugod, ang kanyang ka-live in.

Dagdag pa ng opisyal, isang pinagkakatiwalaang empleyado ang lalaki sa health services, na nakatutok sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan sa pagpapagamot.

Inaalam pa kung may foul play sa pangyayari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending