Tisoy na aktor lapitin ng mga bading, pero di raw pumapatol | Bandera

Tisoy na aktor lapitin ng mga bading, pero di raw pumapatol

Cristy Fermin |July 31,2018
facebook
share this

Tisoy na aktor lapitin ng mga bading, pero di raw pumapatol

Cristy Fermin - July 31, 2018 - 12:15 AM

IPINAGTANGGOL ng kanyang mga dating kaklase sa elementarya at sa high school ang isang tisoy na guwapong aktor. Maraming kuwento ang kanyang mga kaibigan-kaklase.

Hanggang ngayon pala, kahit sinusuwerte na sa pag-aartista ang tisoy na aktor, ay hindi siya nakalilimot na pumasyal sa kanyang mga kaibigan. Pati sa dati niyang eskuwelahan ay nagpapakita rin ang guwapong aktor para mangumusta sa kanyang mga dating guro.

Kuwento ng aming source, “Ang una nilang nilinaw, e, hindi raw becki ang former classmate nila. Ang totoo raw ay lapitin siya ng mga becki. Kahit daw nu’ng nasa high school pa lang sila, e, marami nang umaaligid na becki sa classmate nila.

“Hindi raw siya pumapatol, umiiwas pa nga, pero hindi niya naman binabastos ang mga bading na nagpapakita ng interest sa kanya. Ganu’n na raw kabenta sa mga becki ang guwapong aktor kahit nu’ng bagets na bagets pa siya,” simulang chika ng aming impormante.

Wala rin daw sa bokabularyo ng tisoy na aktor ang kayabangan. Kahit minsan ay hindi siya kinakitaan ng kaangasan ng mga dati niyang kaibigan at kamag-aral.

Patuloy ng aming source, “May mga times pala na umuuwi siya sa kanilang probinsiya para lang makipagkita sa mga classmates niya sa high school. Lumalabas sila, siya ang taya sa lahat ng gastos. Ginagawa niya ‘yun kapag hindi masyadong hectic ang schedule niya.

“Saka very generous pala siya, tumutulong siya sa mga dating kaklase niya sa paraang kaya niya. Hindi nabibigo ang mga lumalapit sa kanya, nagbibigay talaga siya ng tulong sa mga nangangailangan.

“Kaya kapag may mga lumalabas na intriga tungkol sa kanya, e, ang mga former classmates niya agad ang nakadepensa. Kilalanin daw munang mabuti ng mga bashers ang kaibigan nila.

“Kaya naman pala hindi siya nawawalan ng trabaho. Mapa-TV at mapa-movies man, palagi siyang kinukuha ng mga producers, kasi nga, wala siyang ere at very professional pa.

“At kaya rin naman pala love na love siya ng isang komedyanang mayaman sa gilagid, mabait naman pala kasi ang tisoy na aktor na ‘yun!” pagtatapos na chika ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday na palaging panalo sa panghuhula, wala nang clue, alam na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending