Allergy ni Kris nakamamatay, hindi kayang gamutin ng tawas at tapal-tapal | Bandera

Allergy ni Kris nakamamatay, hindi kayang gamutin ng tawas at tapal-tapal

Cristy Fermin |July 31,2018
facebook
share this

Allergy ni Kris nakamamatay, hindi kayang gamutin ng tawas at tapal-tapal

Cristy Fermin - July 31, 2018 - 12:25 AM

MAHIRAP ding maging Kris Aquino. Oo nga at sikat na sikat siya, oo nga at sa laki ng naiipon niyang kayamanan ay hindi na sila maghihirap ng kanyang mga anak na si Josh at si Bimby, ay palagi namang nalalagay sa peligro ang kanyang buhay.

Tama ang komento ng mga nakakakuwentuhan namin, allergy lang ang sakit ni Kris, karaniwang sakit lang ‘yun ng mga kapuspalad. Konting tapal ng dahon pagkatapos ng pagpapatawas ay ayos na, wala na ang mga pamamantal at kati-kati sa balat, napakasimple ng gamutan.

Pero iba nga ang allergy na umaatake kay Kris Aquino. Matindi ‘yun, hirap na hirap siyang huminga, pakiramdam niya’y kumakapal nang sobra ang kanyang mukha at katawan.

Kapag hindi niya agad naagapan ‘yun ay puwedeng maging dahilan ng pagkawala ng kanyang buhay. Matindi ang kanyang sakit na hindi kayang daanin lang sa tawas at pagtatapal ng iba-ibang dahon.

Nang atakihin siya ng allergy sa Indonesia habang nagsu-shoot ng kanyang bagong endorsement ay agad na nagpauwi si Kris para malapatan siya ng tamang proseso ng gamutan.

Ngayon ay maayos na ang kanyang sitwasyon, ligtas na siya sa peligro, masigla na siya uli at naka-text na nga namin siya nu’ng Linggo nang hapon.

Marami kaming pinag-usapan na hindi pa puwedeng sulatin, saka na lang, kapag may go signal na ang aktres-TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending