‘Masakit ‘yung tawagin kang walang utang na loob!’— Christian
AYAW naman naming mag-read between the lines sa mga sagot ni Christian Bables sa mga kontrobersyal na tanong sa kanya during the presscon of “Signal Rock”.
Muli kasing napag-usapan ang naging isyu ng aktor kina direk Jun Lana at Perci Intalan na nagbigay sa kanya ng chance para makapasok sa showbiz via the award-winning movie “Die Beautiful” kung saan gumanap siyang bading na BFF ni Paolo Ballesteros.
Unang kinlaro ni Christian na hindi dahil sa “Signal Rock” kung kaya’t hindi na niya nagawa ang supposedly prequel ng “Die Beautiful” na “Born Beautiful” na napunta naman kay Martin del Rosario.
“Conflict of schedules ng ginagawa kong soap (Halik),” ang binanggit na rason ni Christian. Dito rin siya naakusahang walang utang na loob at lumaki na raw ang ulo.
Nasaktan, umiyak at talaga raw sinikap niyang mag-reach out sa mga itinuring niyang mentors (Direk Jun at Perci) dahil aniya, “Trabaho lang naman po ang lahat.”
Although maituturing na wala nang gusot at isyu after nilang magkaliwanagan, nag-e-effort pa din daw siya na maibalik ang maganda nilang friendship.
Kaya nga nang mapag-usapan ang mga intriga at tsismis na kanyang kinasangkutan, ang pinakamasakit daw ay ang tawagin siyang walang utang na loob.
“Mas masakit, kasi hindi naman po totoo,” ang sabi ni Christian.
q q q
Kaya pala “Signal Rock” ang title ng latest movie ni direk Chito Roño ay dahil sa importansya ng malalaking bato sa isang lugar sa Samar kung saan nakakakuha ng signal ang mga tagaroon para makapag-text o makatawag.
Bongga ang setting na Samar rocks and sea sa kuwento ng movie tungkol sa mga native ng lugar kung saan umaalis ang mga babae at naghahanap ng mga foreigner para pakasalan at gumanda ang buhay.
Entry din ang “Signal Rock” sa 2nd Pista Ng Pelikulang Pilipino na magsisimula ngayong Agosto 15 hanggang 21.
Isa ito sa mga gusto naming mapanood dahil bukod sa Chito Rono film ito at gandang-ganda kami sa mga lokasyon sa Samar, kasama rin sa movie ang mga kaibigan naming sina tito Nan-ding Josef, Daria Ramirez at ang guwapo at mahusay na si Arnold Reyes. Kasama rin dito sina Mara Lopez at Francis Mangundayao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.