WALA na umanong dapat maging kalituhan dahil tanggal na si Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas bilang House majority leader.
Ito ang iginiit ni House Deputy Speaker Rolando Andaya Jr., na nawala na sa posisyon si Farinas ng italaga ng mayorya na interim Majority Leader si Capiz Rep. Fredenil Castro.
“Hindi na siya ang naga-act as majority leader because we have a new interim majority leader exercising the function. So effectively, hindi na po siya ang majority leader,” ani Andaya.
Kinuwestyon ni Farinas ang pagsasalang sa botohan ng resolusyon na nagluluklok kay Arroyo bilang speaker noong Miyerkules. Sinabi niya na bilang House Majority Leader ay siya ang chairman ng Committee on Rules kung saan inaaprubahan ang lahat ng pag-uusapan sa plenaryo.
Itinama naman ni Andaya si Farinas at sinabi na ang interim Majority Leader ay si Castro.
“Hindi vacancy in the sense na formal na tinanggal but an interim. You can apply na napalitan na siya because there is an existing interim majority leader,” ani Andaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.