Alden nakiusap sa haters na wag bastusin sina Janine at Andrea: Ako na lang po ang i-bash ninyo! | Bandera

Alden nakiusap sa haters na wag bastusin sina Janine at Andrea: Ako na lang po ang i-bash ninyo!

- July 26, 2018 - 12:20 AM

“AKO na lang po ang i-bash n’yo!” Ito ang pakiusap ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa lahat ng mga bumabatikos at nang-aaway sa dalawa niyang leading lady sa bagong action-adventure-fantasy series ng GMA na Victor Magtanggol.

Sabi ni Alden, unfair kina Janine Gutierrez at Andrea Torres na makatikim na masasakit na salita mula sa haters, “Again, babalik po tayo sa trabaho lang po ito. Kung meron man pong namba-bash kay Janine o kay Andrea o sa iba pang leading ladies, sana po huwag. Kasi, hindi po nila deserve.

“Kumbaga, ako na lang po, ako na lang po ang i-bash nila. Kasi sa akin naman sila may sama ng loob, yung iba pong matinding bashers. Pero nagtatrabaho lang po kami at siyempre, para po sa amin as actors, at siyempre po, para po sa kabuhayan namin,” paliwanag pa ng Kapuso actor.

Sa puntong ito ng kanyang career, hindi na raw siya nagpapaapekto sa bashers, “Opo, hindi na kasi, sa history naman, hindi naman nawalan ng bashers. Siyempre, noong nagka-AlDub po, dumami po ang nagmahal, dumami lang po nang konti ang bashers. Pero since then po, hindi po talaga ako na-push na sumagot, e.”

Naiintindihan naman daw ni Alden ang feelings ng mga fans nila ni Maine Mendoza na nadismaya dahil nga hindi sila ang magkasama sa Victor Magtanggol, pero ang pakiusap nga niya sa AlDub Nation sana’y patuloy pa rin silang suportahan ni Maine sa kani-kanilang proyekto ngayon. Promise niya, tuloy pa rin ang kanilang reunion movie.

Ayaw na rin daw niyang mag-entertain ng kanegahan para hindi maapektuhan ang kanyang trabaho, “Kaya ako, gawin na lang natin kung ano ang tama at doon tayo lagi sa kabutihan.

Kapag lagi pong masama ang ginagawa, malulunod ka na lang du’n, hindi ka na makaka-recover.”
Ano ang message niya sa lahat ng bashers? “Siguro po, kesa sa tingnan natin kung ano yung mga kamalian na nakikita natin sa ibang tao at mga pinanggagalingan kung anuman ang gusto nilang sabihin, siguro mas tingnan na lang natin ang sarili natin bago natin sabihin ang mga bagay na hindi maganda sa pandinig at mata.

“Kasi, hindi naman po kabawasan sa mga taong bina-bash nila yun. Kabawasan po yun sa pagkatao nila. Ako po, ang suggestion ko, magdasal sila. At saka tingnan nila ang sarili nila bago sila manghusga ng iba,” aniya pa.

Samantala, very positive naman si Alden na magiging mainit ang pagtanggap ng manonood sa bago niyang serye sa GMA Telebabad na magsisimula na sa Lunes, July 30, pagkatapos ng 24 Oras.

Bukod daw sa bonggang cast ng Victor Magtanggol, ipinagmalaki rin ni Alden ang special effects at mga action scenes sa programa. Puring-puri rin ng Pambansang Bae ang galing ng kanilang direktor na si Dominic Zapata na talagang ginagawa ang lahat para triplehin ang ganda ng VM. Si Direk Dom din ang nasa likod ng mga hit fantasy classics ng GMA tulad ng Mulawin, Darna at Captain Barbell.

q q q

Napanood na ni Alden ang pilot episode ng VM at sumobra pa raw ito sa expectation niya, “Hindi po talaga sa pagbubuhat ng bangko ng Victor Magtanggol, pero nahigitan pa po ang expectation ko when it comes to effect. Nagulat po ako na kaya na pala ng mga Pinoy na makapag-produce ng ganitong klaseng effects.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa ng binata, “Kumbaga, yung effort po namin dito as a team, effort po ng post-production who created all the effects, hindi po biro, e. Wala na pong tulugan. Sana po tangkilikin siya dahil isa po ito sa maipagmamalaki kong project ngayong taon na ‘to.”

Bukod kina Janine at Andrea, makakasama rin sa Victor Magtanggol sina Coney Reyes, Freddie Webb, Al Tantay, John Estrada, Eric Quizon, Pancho Magno, Miguel Faustman, Chynna Ortaleza, Dion Ignacio, Lindsay de Vera, Reese Tuazon, Yuan “PaoPao” Francisco, Maritoni Fernandez, Kristoffer Martin and Conan Stevens bilang si Thor, ang god of thunder at may-ari ng Mjolnir, ang magic hammer na gagamitin ni Victor Magtanggol sa pakikipaglaban sa mga kampon ng kadiliman.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending