Boy bumilib sa pagluhod at pagso-sorry ni Christian Bables kay Direk Jun Lana | Bandera

Boy bumilib sa pagluhod at pagso-sorry ni Christian Bables kay Direk Jun Lana

Julie Bonifacio - July 24, 2018 - 12:35 AM

HUMANGA ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda sa pagpapakumbaba ng kanyang talent sa Asian Artist Agency na si Christian Bables sa dati nitong mentor at direktor na si Jun Lana.

Napakasaya ni Kuya Boy sa pagbabati nina Direk Jun at Christian, “Tama ‘yung sabi ni Perci (Intalan, asawa ni Direk Jun) nu’ng nag-uusap kami ni Christian, at si Christian ay pumunta sa Asian Artist Agency. Tinawagan ko si Perci, at hindi kami naapektuhan nina Jun. We’ve been friends for a long, long time,” panimula ni Kuya Boy nu’ng magkita kami sa taping ng show niyang Inside The Cinema sa Cinema One.

Napakaganda raw ng ginawa ni Christian, walang plano at nagkataon na nandoon sila nina Direk Jun at Perci sa media launch ng ikalawang Pista Ng Pelikulang Pilipino.

“Tama lamang na he humbled himself. Tama lamang na nag-apologize siya. Parang mga older brothers niya ‘yun, e. At saka doon siya nagsimula. Doon siya nagkaroon ng kulay at nagkaroon ng pakpak. Give it naman to all of them. It all took was that moment,” sabi pa ng award-winning TV host.

Naikwento rin ni Kuya Boy ang sinabi ng isa sa mga kaibigan niya at nagtanong kung bakit kailangang lumuhod pa ni Christian kay Direk Jun.

“Sabi ko, kung ‘yun ang kanyang expression of asking for forgiveness, bigay mo naman. Totoo ‘yun. Nagpakumbaba ‘yung tao, e. And I’m just happy. I’m really happy. Dapat masaya tayo kapag may mga taong nagkakaayos,” esplika niya.

Kaya rin daw tuwang-tuwa si Kuya Boy ay dahil alam niya that Christian is a wonderful boy at napakabukas ng kaluluwa.

Samantala, magsasagawa ng talk workshop ang Kapamilya TV host on Aug. 3, 4, and 5 sa Mezzanine Multifunction Hall, 106 BluPoint Building sa Kamuning Road, Quezon City (2 p.m. to 8 p.m.). Ito’y para sa mga nagnanais na i-enhance ang kanilang communication skills na may kumbinasyon ng theory and practice.

“Naniniwala ako that practice makes perfect. A good presentation doesn’t happen overnight.

It takes preparation, practice and patience. How do you ward off awkwardness and jitters while standing on stage and presenting to the crowd that your idea is the best in the world?

Lahat ‘yan at marami pa will be explored at the talk workshop,” pahayag ni Kuya Boy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa mga interesado maaaring tumawag sa Asian Artists Agency office at 405-4423 and 855-4765. You can also email [email protected].

All set na rin ang ikalawang Boy R. Abunda Talks (BRATS) focusing on Mental Health Stories (Let’s talk about them openly and kindly) sa pakikipagtulungan ng Make Your Nanay Proud (MYNP) Foundation. Gaganapin ang ikalawang BRATS sa Seda Vertis North Hotel, Quezon City on July 25, 7 to 11 p.m..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending