AlDub King & Queen pa rin ng Twitter, Alexander aprub sa fans
NAGPASIKLAB muli ang fans ni Maine Mendoza last Sunday para patunayan na pagdating sa kanilang idolo eh, hindi sila magsasawang sumuporta sa bawat project na ginagawa nito.
Nu’ng Sunday, umere ang isa pang episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko kung saan nagpatuloy ang adventures ni Meng bilang si Laura Patola. Ang Korean actor-singer na si Alexander Lee ang kasama niya sa show.
Gaya ng nakaraang episode na ginawa, number one spot sa Twitter ang #MaineHeroOnDaig.
Mahigit 2 million tweets ang hinamig nito, huh! Tunay na wala pa ring makakatinag sa Phenomenal Star bilang Top Female Celebrity sa Twitter, huh!
Wala naman kaming nababasang nega about the tandem of Maine and Alexander sa DKNLK, meaning tanggap ng fans ang Korean actor bilang katrabaho ng Dubsmash Queen.
Sa Eat Bulaga naman last Saturday, humataw muli ang loveteam nila ni Alden Richards sa Twitter world nang umapir silang magkasama sa Eat Bulaga concert series kasama ang Broadway Boys.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.