Vice maraming pasabog kay Kris; mapapanood sa ‘LiveLife’ ng iFlix
WALANG bakas na nagkaroon ng tampuhan ang magkaibigang Vice Ganda at Kris Aquino dahil pareho silang masaya nang magkita sa Trinoma Cinema 5 para manood ng “I Love You, Hater.”
Inimbitahan ni Vice ang kanyang “asawa” (tawagan nila ni Kris) at si Bimby para sabay-sabay silang manood ng “ILYH”. Kasama rin ng TV host-comedian ang kanyang nanay at ilang mga kaibigan.
Nang makatanggap ng imbitasyon si Kris mula kay Vice ay nag-post agad siya sa Instagram ng, “By now, you know me lahat kayang isantabi para sa happiness ng mga anak ko. Si kuya Josh okay na. Tonight I know this is for Bimb. Nag invite ang isang super love ni Bimb sa gitna ng ulan- sugod na kami para manuod ng I Love You Hater kasama n’ya. Join din si ate @juliabarretto na SUPER LOVE ni Bimb.”
Kaya nang magkita sina Vice at Kris ay talagang ang ganda ng ngiti ng una at sabay yakap ng mahigpit kay Bimby na sobrang na-miss ng TV host.
Sumunod na niyakap ni Vice ay si Kris na teary eyed at sinaning, “We miss you.” Nakasama rin nila sina Joshua Garcia at Julia Barretto na napabalitang may tampuhan pero hindi naman halatang meron silang pinagdaraanan.
Habang magkakayakap sina Kris, Bimby at Vice ay kinukuhan naman sila ng assistant ng una na si Jack Salvador para sa IG live. Bahagi ng caption ni Kris sa isang photo, “I am sure @garciajoshuae & @juliabarretto are as grateful as Bimb & me are sa generosity & effort ni Vice, my ‘asawa’ to support I Love You Hater still showing from @starcinema.”
Wala kaming nakitang TV camera sa loob ng sinehan dahil ayon sa isang taga-ABS-CBN na nakausap namin, ayaw daw ipakober ang pagkikita nina Vice at Kris dahil baka gawan pa ito ng isyu. Pero dahil maraming nakakita sa pagpasok nila sa sinehan mabilis na kumalat ang balita.
Tumuloy naman ang grupo pagkatapos ng screening sa isang restaurant sa Scout Lazcano para mag-dinner, kasabay din nito ang interview ni Kris kay Vice na mapapanood sa LiveLife ng iflix. Siguradong maraming pasabog si Vice sa panayam ni Kris dahil matagal silang hindi nagkita at nagkausap.
Samantala, sa SM Aura nagpa-block screening si Chot Reyes kasama ang mga players ng Gilas Pilipinas pati na rin ang kina direk Paul Soriano kasama sina Toni at Alex Gonzaga pero sa magkaibang oras na parehong dinaluhan nina Kris at Bimby.
Ngayong araw naman ay lilipad papuntang Indonesia si Kris para sa isang TV commercial shoot ng isang produkto na ineendorso rin ni Manny Pacquiao na sa nasabing bansa lang napapanood, at ang Queen of Online World at Social Media ang magiging counterpart nito sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.