Magsasaka patay matapos makagat ng ahas sa kasagsagan ng baha sa Nueva Ecija
PATAY ang 34-anyos na magsasaka matapos makagat ng ahas sa Barangay Sta. Maria, Licab, Nueva Ecija, ganap na alas-3 kahapon ng hapon.
Sinabi ni Erwin Vicente, municipal social welfare and development officer, na natuklaw si Suterio Villa Jr. ng isang ahas na lumalangoy sa baha sa loob mismo ng kanyang bahay.
Si Villa ang kauna-unahang biktima ng mga pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan.
Hindi nadala ang biktima sa ospital dahil na rin sa nararanasang pagbaha.
Sinabi ni Michelle Anne dela Pena, chief of the municipal disaster risk reduction management, na bumaba na ang baha bandang hapon, bagamat tumaas muli Linggo ng gabi. Inquirer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.