'The Lease' nina Garie at Ruben mala-'Sixth Sense' ang ending | Bandera

‘The Lease’ nina Garie at Ruben mala-‘Sixth Sense’ ang ending

- July 21, 2018 - 12:35 AM

DREAM come true para sa kapatid ni KC Concepcion na si Garie Concepcion ang makagawa ng isang horror movie at for international release pa.

Marami nang nagawang pelikula si Garie pero palagi lang siyang “guest appearance” or cameo sa mga ito. Kaya naman biglang level up si Garie sa pelikulang “The Lease” na isang psycho horror thriller mula na co-production ng mga Italian at Pinoy filmmaker na Utmost Creatives, See Thru Pictures a Villa Nonita.

Makakasama niya rito ang Italian actor-producer na si Ruben Maria Soriquez na nakilala ng Pinoy audience bilang tatay ni Liza Soberano sa Kapamilya series na Dolce Amore.

Kuwento ni Garie nang makapanayam ng ilang members ng entertainment press pagkatapos ng premiere night ng “The Lease” sa SM Megamall, nag-audition talaga siya para sa role, na isang nanay na naka-experience ng mga misteryosong kaganapan nang lumipat sila sa isang haunted villa.

Napanood na namin ang movie at in fairness, sa dami ng horror movies na napanood namin, isa ang “The Lease” sa may matinong kuwento. Talagang huhulaan mo kung ano ang magiging ending sa gitna ng sunud-sunod na panggulat na eksena.

Bidang-bida rin sa pelikula ang manyikang si Jennifer na isa sa mga dapat abangan ng mga manonood dahil malaki ang partisipasyon niya sa kuwento.

At kahit katatakutan ang tema ng pelikula, sa ending ay mararamdaman mo ang puso ng kuwento na sumesentro sa pagmamahal sa pamilya at kung hanggang saan ang kaya mong gawin para sa mga mahal mo sa buhay.

Kung naapektuhan kayo ng twist sa ending ng Hollywood horror film na “The Sixth Sense”, magugulat din kayo sa mga huling eksena sa “The Lease”.

Sabi nga ng isang nakasabay naming nanood sa premiere night, “The quality of the movie, the effects and all really amazes me! Was I seeing a Hollywood movie? But what really fascinates me most is the message subtly embedded into the movie. In the guise of a horror film, ‘The Lease’ vividly portrays our political and spiritual state today! The movie is a MUST SEE!”

Mapapanood na ang “The Lease” (based on the novel by Mario Alaman) sa July 25 sa mga sinehan nationwide. Kasama rin dito ang child actor na si Harvey Almoneda, Edmund Santiago, Jil Demski at marami pang iba.

Nakatakda ring ipalabas ang “The Lease” sa ilang international filmfest sa Europe, sa direksyon ng Italian filmmaker na si Paolo Bertola.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending