Michael sa relasyon nila ni Garie: Wala kaming ginagawang kalokohan! | Bandera

Michael sa relasyon nila ni Garie: Wala kaming ginagawang kalokohan!

Alex Brosas - July 20, 2018 - 12:30 AM

MICHAEL PANGILINAN AT GARIE CONCEPCION

SINUPORTAHAN ni Michael Pangilinan ang premiere night ng pelikulang “The Tease” na pinagbibidahan ng kanyang girlfriend na si Garie Concepcion kasama ang Italian actor na si Ruben Maria Soriquez. Garie and Ruben play husband and wife in the suspense-thriller film showing on July 25.

“May ginagawa kaming album pareho. ‘Yung sa akin lalabas this year. May bago akong tunog na ginagawa sa kanya. Parang ano, eh, hindi tunog balladeer, hindi tunog biritera. It’s something new na hindi pa naririnig,” chika ni Michael.

When asked about the status of his relationship with Garie, the singer said, “Basta masaya kami. Wala kaming ginagawang kalokohan. Iyon ang pinakanagma-matter.

“Lahat, eh. Basta, ipagpatuloy niya lang lahat ng ginagawa niya. Marami pang dapat abangan sa kanya. Nag-uusap kami at marami siyang plano,” he added.

When someone told Michael na sinabi ni Garie na ayaw talaga niyang mag-artista, pinatotohanan ito ng binata.

“Dati pa naman. Alam mo naman ‘yun. Hindi ako umaarte. Hindi ako magaling mag-artista. I tried it lang talaga,” sagot ni Michael.

Paano kung makasama niya si Garie sa movie? “Hindi ko masabi. Siguro kung singer ako or action star or comedian na nakakatuwa, baka gano’n. Pero ‘yung mga iyakan ay hindi ko talaga kaya,” say ni Michael.

q q q

Tiyak na masa-shock ang followers ng Bagani dahil mag-iiba na ang personality ni Malaya played by Kristine Hermosa.

Unti-unti na kasing lumalabas ang tunay na kulay niya matapos na matalo ng mga Bagani ang anak niyang si Sarimaw (Ryan Eigenmann).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

With that, si Malaya na ang susunod na makakalaban ng mga baganing sina Lakas (Enrique Gil), Ganda (Liza Soberano), Lakam (Matteo Guidicelli), Dumakulem (Makisig Morales) at Liksi (Zaijian Jaranilla).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending