NAKA-red alert ang Armed Forces of the Philippines (AFP) simula kahapon bilang paghahanda para sa ikatlong State of the Nation Address (Sona) ni Pangulong Duterte sa Lunes.
Sinabi ni AFP public affairs chief Col. Noel Detoyato na wala namang silang namomonitor na banta sa isasagawang Sona ni Duterte sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.
Idinagdag ni Detoyato na naka full alert pa rin ang militar para matiyak na pawang nasa loob ng kampo ang mga sundalo.
Nakatakdang magpakalat ang Joint Task Force-National Capital Region ng 1,021 sundalo para sa Sona para bigyang suporta ang Philippine National Police (PNP).
Ani Detoyato, maaari pang mag-iba ang bilang ng mga sundalo na ipapakalat, depende sa sitwasyon sa Lunes.
Kabilang sa mga ipapadala ay mula sa Philippine Army, Air Force at Navy.
Nakatakda namang pagkalat ang PNP ng 6,000 na pulis sa iba’t ibang lugar sa Maynila para sa Sona.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.