Sa paglabas ni ‘Inday’, bagong LPA sa karagatan Laoag City nagbabadya
ISANG bagong low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang naispatan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) 475 kilometro kanluran ng Laoag City.
Nagbg severe tropical storm ang bagyong Inday ngayong tanghali, habang patuloy itong gumagalaw hilagang kanluran, palayo ng PAR.
May lakas naman si Inday ng hangin na 90 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at gustiness na aabot sa 115 kph, ayon sa state weather agency.
Huling namataan si Inday 925 kilometro ng silangang hilagang silangan ng Basco, Batanes habang napanatili nito ang paggalaw na nasa 15 kph hilagang kanluran. Inaasahan itong lalabas ng PAR kagabi o ngayong umaga.
“The new LPA, Inday, and the prevailing southwest monsoon kept most parts of Luzon wet on Friday, as it brought intermittent moderate to heavy rains over Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Tarlac and Nueva Ecija,” sabi ng Pagasa.
Patuloy namang makakaranas ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng Luzon ng kalat-kalat na pag-ulan mula sa mahina hanggang katamtaman at paminsan-minsang malalakaa na pag-ulan hanggang ngayong araw. Inquirer.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.