Andrea iniiyakan ang panglalait ng bashers sa utol na may sakit | Bandera

Andrea iniiyakan ang panglalait ng bashers sa utol na may sakit

Ervin Santiago - July 19, 2018 - 12:01 AM

INIIYAKAN na lang ni Andrea Torres ang ginagawang pamba-bash sa kanya ng ilang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Isa si Andrea sa magiging leading lady ni Alden sa bagong fantasy series ng GMA na Victor Magtanggol at ngayon pa lang ay puro kanegahan na ang ibinabato sa kanya ng mga haters.

Nauna nang kinuyog ng AlDub supporters ang isa pang partner ni Alden sa VM na si Janine Gutierrez pero tulad ni Andrea hindi na rin sila pinapatulan ng dalaga.

Ayon kay Andrea, okay lang kung siya ang nilalait at binabastos ng netizens, naaapektuhan lang daw siya kapag pati pamilya niya ay dinadamay na.

“Ako kasi kapag sa pamilya, lalo na sa kapatid, naaapektuhan talaga ako lalo na kapag dyino-joke nila, tatawagin nilang mongoloid ‘yung brother ko, tapos pagtatawanan. Hindi ko kayang marinig ‘yung ganu’n.

“Lately, ang sinasabi nila, abnoy naman daw ‘yung kapatid ko. So, siyempre, bilang kapatid, napakasakit nu’n,” kuwento ni Andrea nang makachika namin sa presscon ng GMA Artist Center para sa acting coach na si Anthony Vincent Bova na bumalik uli sa bansa para sa bagong series of workshops featuring Kapuso stars.

“Hindi ko na lang sinasagot o pinapatulan kasi hahaba pa, pero talagang na-offend, naiyak ako para sa akpatid ko. Kapag may mga ganu’n, kinakausap ko ang parents ko, sa kanila ko ibubuhos ‘yung sama ng loob, ‘yung sakit. Basta ang sinasabi lang nila sa akin, huwag nang seryoshin, prayers. Think positive,” sey pa ng Kapuso sexy actress.

Dagdag pa niya, “Kasi hindi mo rin naman makokontrol ‘yung mga taong ganu’n, e. Sasabihin pa rin nila ang gusto nila kahit alam nilang makakasakit.”

Samantala, marami na raw nagawang action scenes si Andrea sa Victor Magtanggol kasama si Alden. Puring-puri niya ang Pambansang Bae dahil hands on talaga ito sa bagong fantaserye ng GMA.

“Nakakatuwa nga, kasi nagkasundo agad kaming lahat, ng cast. Parang pamilya agad ang turingan, kami nina kuya John (Estrada), ni tita Connie (Reyes), on and off cam ang saya-saya lagi sa taping. Feeling ko magugustuhan talaga ito ng mga bata kasi fantasy adventure din siya aside from the action at ‘yung drama,” kuwento pa ni Andrea.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending