Adrianna So pumayag makipag- halikan kay Therese Malvar
ANG ganda ng ngiti ni Adrianna So nang makausap namin sa nakaraang announcement ng walong pelikulang kasama sa Pista Ng Pelikulang Pilipino. Kasama siya sa “Ang Babaeng Allergic Sa Wifi” nina Sue Ramirez, Jameson Blake at Markus Paterson mula sa IdeaFirst Company.
Gagampanan niya ang karakter ni Margaux at maganda raw ang exposure niya sa movie na idinirek ni Jun Robles Lana, “Mahaba at maganda ang role ko. Love story siya actually pero nakakaiyak.”
Unang beses palang mapasama sa film festival si Adrianna, “Actually excited ako, kasi bukod dito sa PPP, may Cinemalaya pa ako, kasama rin ako sa ‘Distance’ ni Direk Perci Intalan.”
Pawang cameo role lang daw ang mga nagawa niyang tulad ng “The Escort”, “I Love You To Death” at “Die Beautiful.” Hindi naman naghahanap ng bida role ang dalaga pero kung bibigyan siya, why not?
May kissing scene si Adrianna sa kapwa niya babae sa pelikulang “Distance” na ginagampanan ni Therese Malvar sa na mapapanood na simula Agosto 3 hanggang 13 sa Cinemalaya. Kaya ang tanong sa dalaga, ano ang pakiramdam na makipaghalikan sa babae, “I’m good naman with kissing scene, okay lang ako. Mas maingat ka pa nga dapat, eh,” sagot ng dalaga.
Menor de edad pa si Therese kaya inalam din kung hindi ba naasiwa si Adrianna na bagets pa ang kahalikan niya, “I think she’s used to it na naman kasi she had done indie films in the past so sanay siya sa ganu’n saka nandoon ang mama niya everytime.”
Okay din ba siya sa mga daring roles? “Depende sa story. Hindi ko pa alam kung hanggang saan ang limitation ko, let’s see.”
Si Adrianna ay isa sa mga endorser ng Diana Stalder at ang pangarap niyang magkaroon ng sariling billboard ay nangyari na dahil makikita na siya sa lahat ng Dermclinic branches (Cubao, Araneta Center, Gateway Mall at Megamall).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.