Kontraktor utak sa pagpatay sa mayor ng Nueva Ecija- PNP | Bandera

Kontraktor utak sa pagpatay sa mayor ng Nueva Ecija- PNP

- July 16, 2018 - 02:41 PM

PINANGALANAN ng Philippine National Police (PNP) ang utak sa brutal na pagpatay kay Gen. Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Sa isang press briefing, sinabi ni PNP chief Dir. Gen. Oscar D. Albayalde na ang mastermind sa pagpaslang kay Bote ay si Christian Saquilabon,  isang kontraktor sa Nueva Ecija.

Sinabi ni Police Regional Office 3 Director Chief Supt. Amador Corpus na lumalaba na isang proyekto sa turismo ang naging sanhi para patayin si Bote.

Idinagdag ni Corpus na kinilala ng Special Investigation Task Group (SITG) Bote ang lima sa walo sa mga suspek sa pagpaslang, kabilang na sina Saquilabon; ang mga bumaril na sina Florencio Suarez at Robert Gumacay; architect na si Arnold Gamboa; at ang sinasabing spotter na si Jun-jun Fajardo, na pinaghahanap pa rin.

Naaresto sina Suarez and Gumacay noong isang linggo sa isang checkpoint sa Camarines Sur samantalang sumuko naman si Gamboa. 

Inambus si Bote sa Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Hulyo 3.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending