Maka-duet kaya uli ni Jake Zyrus si Celine Dion | Bandera

Maka-duet kaya uli ni Jake Zyrus si Celine Dion

- July 16, 2018 - 12:30 AM

MATULOY nga kaya ang muling pagdu-duet nina Jake Zyrus at Celine Dion dito sa Pilipinas?

Isang dekada na ang nakararaan nang magsama sa isang stage sina Jake Zyrus, na noon ay kilala pa bilang si Charice, at si Celine Dion sa Madison Square Garden sa New York.

Ngayong magpe-perform nga sa kauna-unahang pagkakataon sa Manila si Celine (Mall of Asia Arena), marami na ang nag-aabang kung mauulit pa ba ang duet nila ni Jake onstage sa July 19 and 20.

Ang TV host na si Oprah Winfrey ang nag-recommend kay Charice na maka-duet ni Celine Dion sa concert ng international diva na “Taking Chances World Tour,” noong 2008. Noon pa man, naging country’s pride na si Charice pagkatapos siyang ipakilala ni Celine na “incredible young singer.”

“Let me tell you, she has a voice that can literally blow the roof off Madison Sqaure Garden,” ang papuri ni Celine noon sa kanyang fans. Kinanta nila ni Charice ang kanyang hit song na “Because You Loved Me” kung saan binigyan sila ng standing ovation ng crowd.

Sa isang interview early this year, sinabi ni Celine na tandang-tanda pa niya ang duet nila ni Charice at ang “amazing voice” nito.

Nabalitaan din daw ng international singer ang tungkol sa bagong buhay ni Charice ngayon bilang si Jake Zyrus.

Sa nalalapit na two-night concert ni Celine sa Manila for the first time, inaabangan na ng fans ni Jake kung magkakaroon siya rito ng special guest appearance. Sabi nga ng ilang social media followers ni Jake pwedeng-pwede silang mag-duet ng “The Prayer”, si Jake ang kakanta ng part ni Andrea Bocelli.

Kapag nangyari ito, siguradong mas mapapasaya ni Celine ang kanyang Pinoy fans at magiging proud din ang buong bansa kay Jake dahil may isang Filipino uli na nakapag-perform with the international pop star.

Samantala, kakatapos lang ng concert tour ni Jake sa UK (London, Newcastle at Birmingham) at Ireland (Dublin). Sa last quarter naman ng 2018, babalik sa US si Jake para sa isa pang bonggang show.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-record din si Jake ng theme song ng indie movie na “She’s A Killer,” kung saan isa rin siya sa mga bidang artista. Iri-release sa Japan ang movie at sa iba pang Asian countries ngayong October.

Sa August at September naman, gagawa si Jake ng isa pang indie film na mapapanood sa summer next year. Bukod dito, naghahanda na rin si Jake para launching next year ng kanyang libro na maglalaman ng kanyang makulay at inspiring life story.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending