Rating ni Du30 hindi makakain ng gutom-solon
KUNG ikinalulugod man ng Malacanang ang mataas na rating ni Pangulong Duterte sa survey ng Pulse Asia, patuloy naman umanong nararamdaman ng maraming Filipino ang kumakalam na sikmura dahil sa mahal ng bilihin.
Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin walang magagawa ang mataas na rating ng Pangulo upang tugunan ang napakaraming problema ng bansa.
“The Pulse Asia survey has been consistent in showing high ratings for President Duterte. It’s a perception boost for Duterte but not a reality check. While it will boost the egos in Malacañang, it won’t make people feel less poor, hungry and insecure of the future,” ani Villarin.
Hindi umano mabubura ng rating ni Duterte ang mataas na presyo ng bilihin lalo na ng produktong petrolyo.
“It will not erase the 5.2 percent inflation that’s hitting people’s pockets hard, the cutting down of real wages, loss of jobs, and high interest rates driving investments down.”
Si Duterte ay nakapagtala ng 88 porsyentong approval rating, tatlong porsyentong disapproval rating at 10 porsyentong undecided sa survey noong Hunyo
Mas mataas ito sa 80 porsyentong approval, anim na porsyentong disapproval at 14 porsyentong undecided sa survey noong Marso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.