Katoliko ginigipit, inaapi | Bandera

Katoliko ginigipit, inaapi

Lito Bautista - July 13, 2018 - 12:10 AM

TANGGAP na ang mga kahinaan, pang-iinsulto, pagpapahirap, pag-uusig para kay Kristo; kung kelan ako mahina, ako’y malakas. Iyan ang Pagninilay sa ikalawang Pagbasa sa Ebanghelyo (Ez 2:2-5; Sal 123:1-4; 2 Cor 12:7-10; Mk 6:1-6) sa ika-14 na linggo ng karaniwang panahon sa Misa ni Fr. Mar Ladra (Diocese of Malolos), na itinaguyod ng Inquirer.

Ang dapat na namuno sa CBCP ay si Bishop Pablo David, biblical scholar ng Pilipinas, at hindi si Bishop Romulo Valles, kaibigan ni Duterte. Lumalaban si David dahil ito ang kanyang pinag-aralan, ang iniuutos ng dalawang Tipan, ng Ebanghelyo ng mga apostol, at ng mga propeta. Inihalal si Valles sa pag-asang may linya siya kay Duterte at makapagpapayo kapag inalihan na naman ng masamang espiritu ang palamura. Wow maling akala pala.

Ang pagpili kay Valles ay mayoryang kahinaan ng mga obispo. Nakisama at sumayaw sa tugtog ng gobyerno ang mga obispo imbes na manatili silang timonero ng moralidad. Karuwagan ng CBCP ang pagpili kay Valles. Sa mahigit 2,000 taon, matikas na nakatidig ang simbahang Katolika. Nasindak ba ang mga obispo kay Duterte? Kailanman, hindi nasindak ang Santatlo sa demonyo, bagaman minsan ay pumayag (nakipagkasundo?) si Jesus na sumanib na lang sa mga baboy ang demonyo mapalayas lamang sila.

Si David ay kawangis ni San Juan Bautista na walang takot na kinastigo ang mga nanunungkulan, ang kanilang mga kalabisan at di pagsunod sa mismong batas nila. Kinondena ni San Juan Bautista si Herodes dahil inasawa niya ang balo ng kanyang kapatid, na si Herodias, kontra sa Jewish law. Pinugutan ng ulo si San Juan Bautista at ipinarada sa ibabaw ng bandeha.

Nang itapat si Valles kay Duterte, nakipagtipan ba ang mga obispo sa demonyo sa pamamagitan ng pakikipaglaro sa baraha ng politika at kakilala? Inakala ba ng ilang obispo na sa pamamagitan ni Valles ay mananalo na sila laban kay Duterte na umamin at naghayag na takot siya sa krus kaya ipinaaalis niya ito sa mga dingding? Natalo si Valles. Kailanman, di natatalo ang Diyos sa anumang laban.

Malaking kapistahan at paggunita (religious event) ang primer Viernes sa (minor) Basilica Nazareno sa Quiapo. Pero, binastos ito ng MMDA ni rebeldeng Danilo Lim. Hinuli at binatak ang nakaparadang mga sasakyan sa gilid ng simbahan sa first Mass, bagaman may dalawang linya pang nadadaanan ang iba pang mga sasakyan.

Bakit hindi hinuhuli at binabatak ng MMDA ni rebeldeng Danilo Lim ang nakaparadang mga sasakyan sa Commonwealth ave., QC tatlong beses sa sanlinggo sa tapat ng tatlong dalanginan ng isang grupo? Ang pagpaparada ng mga sasakyan sa tabi ng Misahan ng mga simbahan ay para makabahagi ng pagbabasbas ang mga sasakyan at mailayo sa sakuna at kapahamakan. Oo naman. Hindi ito alam ng rebeldeng Danilo Lim.

Pinapatay na lang na parang langaw ang mga mayor na iniugnay sa droga. Bakit di pinapatay si Leila de Lima? Ang mga mayor at si De Lima ay pareho lang sa mata ni Digong. Bakit buhay pa ito? Kay Digong, ang mga mayor ay kumpirmado nang nasa droga gayung si De Lima, ayon sa RTC, ay lilitisin pa bagaman marami ang testigo na nasa droga nga ang matandang babae ni Dayan.

Sept. 24, 1972 ipinagbawal ang tambay (Sept. 21 nilagdaan ang martial law pero Sept. 23 ito nang ihayag). Kahit na sa liblib na Sablayan, Romblon ay walang tumutol nang ipagbawal ang tambay, sa utos ni FM na bawal ang tatlo katao na magtipon. Ngayon, gago’t abogado maiingay at kinampihan ang mga tambay.

UST (Usaping Senior sa Talakayan, Mountain View, San Jose del Monte City, Bulacan): Aalagaan ng mga anak kapag senior na? Lima umaasa, tatlo di na (sa meron o sa wala?). Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng lahat ng bagay at serbisyo, magpaparaya ang matatanda sa mga anak, na, siyempre, uunahin ang kanilang pamilya. Sa susunod na mga buwan, o taon, kaya pa ba ng matatanda ang itaguyod at alagaan ang sarili nila?

PAGBABAHAGI sa Nilayan (Nilay-ugnayan sa Dulong Bayan, SJDM City, Bulacan): Political science grad (with honors), P600 lang suweldo. Automotive grad (with honors), P1,000 sahod. Yung maruming (ma-grasa) trabaho, kaya ang mahigit P1,000? Iyan ang misteryo ng biyaya para sa lahat. Mt 25: 14-30.

PANALANGIN: O Panginoon, kaawaan mo kami, sawa na kami sa pagdurusa. Labis nang nagsasawa ang aming mga kaluluwa sa hamak ng mga layaw at sa alipusta ng mga hambog (Sal 123:3-4).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

MULA sa bayan (0916-5401958): 3 days nang 2G signal ng Globe. Anyare? …6577, Tumanan, Bislig.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending