Machine operator in-demand na trabaho | Bandera

Machine operator in-demand na trabaho

Liza Soriano - July 11, 2018 - 12:10 AM

SA ikatlong sunod-sunod na linggo, ang PhilJobNet, ang internet-based job at applicant matching system ng Department of Labor and Employment, ay muling nagtala ng mataas na pangangailangan para sa production machine operator.

Ang Bureau of Local Employment ay nakapag-monitor ng 6,203 bakanteng trabaho para sa production machine operator, kasunod nito ang bakanteng trabaho para sa call center agents na may 5,236.

Nitong ikatlo at ikaapat na linggo ng Hunyo, nanguna ang production machine operators sa naitalang pinakamataas na bilang ng bakanteng trabaho sa PhilJobNet.

Ang iba pang nangungunang bakanteng posisyon ay salesman – 1,281; customer service assistant – 865; cashier – 846; domestic helper – 69a; staff nurse – 463; sales associate professional – 405; teller – 363; barista – 360; household attendant – 347; at public health nurse – 297.

Mayroon ding bakanteng trabaho para sa sales clerk – 265; promo salesperson – 265; non-formal education teacher – 260; bagger – 255; driver – 250; delivery driver – 212; real estate salesman – 200; at food server – 190.

Ang PhilJobnet ay isang pasilidad ng labor department na naglalayong pabilisin na makahanap ng trabaho ang aplikante at ang employer na makahanap ng manggagawa. Ang centralized database ay pinangangasiwaan ng Bureau of Local Employment.

Sa ngayon, may 101,556 naghahanap ng trabaho at 2,923 employers ang naka-rehistro sa portal.
Nakalista ang mga bakante ayon sa special category nito, tulad ng internship jobs, online/home-based jobs, government jobs, at overseas jobs.

Nakatala rin sa portal ang mga bakanteng trabaho na naaayon para sa high school graduates, women, senior citizens, differently abled/PWD, displaced workers (local), at balikbayan/OFW returnees.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga bakanteng trabaho at iba pang serbisyong pang-empleo, maaaring mag-log-on ang mga naghahanap ng trabaho at ang mga employer sa https://philjobnet.gov.ph/

Maaari rin silang bumisita sa Bureau of Local Employment na matatagpuan sa 6th Floor, BF Condominium cor. Solana & Soriano St., Intramuros Manila. Maaari din silang tumawag sa PhilJobNet Hotline sa (632) 527-2543 Fax: (632) 527-2421.
Anna Dominique Tutay
Director
Bureau of Labor Employment (BLE)
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending