Gary na-touch sa pagdalaw ni Coco: Napasaya mo lahat sa bahay namin! | Bandera

Gary na-touch sa pagdalaw ni Coco: Napasaya mo lahat sa bahay namin!

Ervin Santiago - July 11, 2018 - 12:25 AM

NA-TOUCH si Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa pagdalaw sa kanya ni Coco Martin kamakailan.

Sa kabila kasi ng kabisihan nito sa trabaho at sa iba pang commitments ay nagawa pa rin ng Kapamilya actor na malaan ng oras para makita siya at makausap.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Coco ang litrato nila ni Gary na may caption na: “Mahal na mahal ka namin! Ikaw at ang mga kanta mo ang inspirasyon namin. God bless you always, Kuya Gary.”

Sagot naman ni Mr. Pure Energy, “Maraming maraming salamat sa pagbisita mo sa akin kanina Coco. Napasaya mo ang lahat sa pamamahay namin.

“We love you Coco. I pray God gives me more music that I can sing for your teleseryes. God bless you, my friend. I’ll see you again soon,” ang dagdag na mensahe pa ni Gary.

Ginagamit ang version ni Gary ng kantang “Wag Ka Nang Umiyak” bilang theme song ng primetime series ni Coco na Ang Probinsyano sa ABS-CBN. Ang bandang Sugarfree ang original na kumanta nito pero mas lalo itong sumikat dahil nga sa serye nina Coco at Yassi Pressman.

Sa kanyang Twitter account naman, todo pa rin ang pasasalamat ni Gary sa lahat ng kanyang mga kaibigan in and out of showiz na patuloy na nagdarasal para sa kanyang paggaling.

Tweet ng award-winning veteran singer, “Just wanted to thank everyone for watching and allowing me to share my story on Rated K.

“Yes it was a struggle but like I said to many ‘your prayers have been answered’

“Tnx to everyone who genuinely cared for me. Now it’s time to move on and come back. I love you all. #RatedK,” aniya pa.

Inamin kamakailan ni Gary na nagkaroon siya ng kidney cancer pero agad din daw itong nagamot kaya cancer free na siya ngayon. Halos lahat ng kanyang fans and supporters ay nag-alala sa kanyang kundisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending