Erik madaling katrabaho kaya favorite ng concert producers
Napakabilis talagang lumipad ng panahon. Parang kailan lang ‘yun nang maging champion ng Star In A Million si Erik Santos pero labinglimang taon na pala ang nakalilipas mula nu’n.
Makabuluhang labinglimang taon na nga ang itinatakbo ng kanyang singing career. Mabunga dahil marami na siyang napasikat na piyesa at siya ang isa sa mga inaasahang singers sa kahit anong klase ng okasyon.
Sa September 22 ay ipagdiriwang na ni Erik ang kanyang 15th year anniversary, isang malaking concert ang kanyang pinaghahandaan na gaganapin sa Mall Of Asia Arena, ang kanyang management outfit na Cornerstone Productions at ang Lucky 7 Koi Productions ni Tita Lily Chua ang mga producers ng kanyang concert.
Nang makita namin ang line-up ng mga makakasama niya bilang guests sa “Erik Santos: My Greatest Memories” ay isa lang ang naisip namin.
Grabe, parang anniversary na ng ASAP ang magaganap, dahil puro poste ng mundo ng musika ang kanyang makakasama.
Isa si Erik Santos sa mga kilalang singers na puso ang kumakanta at hindi ang bibig lang. Emosyonal ang kanyang atake, wala kang masasabi sa kinis ng kanyang boses, maging sa kabuuan ng kanyang performance.
Dagdag pa ng kanyang producer na si Tita Lily Chua, “Saka masarap siyang ipag-produce dahil napaka-professional niya. Mabait si Erik, mabuti pa siyang anak at kapatid, walang kaarte-arte at talagang magaling siyang singer at director.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.