Bumaligtad na saksi sa kaso ni Bong wa epek | Bandera

Bumaligtad na saksi sa kaso ni Bong wa epek

Ronnie Carrasco III - July 05, 2018 - 12:30 AM

JUST when the public thought na may progreso na sa gumugulong na imbestigasyon kaugnay ng pagpuslit ng gadget sa loob ng PNP Custodial Center na umano’y ginamit ni Bong Revilla sa pagse-selfie ay ibang ulat ang lumabas sa mga diyaryo.

Instead ang nalathala ay ang pagbaligtad ng isang tumayong witness noon laban kay Bong kaugnay ng pagkakasangkot nito sa PDAF scam.

Ilang araw lang bago rito’y kinondena ang lumabas na selfie ng dating senador marking his fourth year sa loob ng piitan. Mahigpit daw kasi itong ipinagbabawal as a matter of protocol.

Depensa naman ng kampo ni Bong, lumang larawan na raw ‘yon. At hindi sa kanila nagmula ang selfie post na ‘yon.

Kung nasusubaybayan natin ang mga ulat, lumutang ang balitang nitong June ang nakatakdang buwan ng release ni Bong. Obviously, ang inaasahan sanang reunion ni Bong with his family ay hindi naganap, dahil anong petsa na ngayon?

Gusto ring isipin ng mga tagasuporta ni Bong na ang pagkakaluklok kay Digong bilang Pangulo noong 2016 ay beacon of hope para makalaya na ito. Tapos na naman kasi ang termino ni PNoy whose administration had brought him to jail.

Ang pagbaligtad ng tumestigo laban kay Bong is perceived to be his easy way out. Pero nagbigay na ng pasubali ang korte, wala raw itong bearing sa plunder case ng dating mambabatas.

Nagtataka lang kami sa turn of events.

Truthfully, hindi maka-Bong ang inyong lingkod. But what law or laws apply sa nakalaya nang si Jinggoy Estrada at sa batas na sumasaklaw kay Bong, are they apples and oranges? Hindi ba’t nagkakatalo lang naman ang mag-BFF na ito on the amount allegedly plundered?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending