Terrence Romeo sa haters: Wala kaming paki sa inyo, basta kami walang iwanan! | Bandera

Terrence Romeo sa haters: Wala kaming paki sa inyo, basta kami walang iwanan!

|July 04,2018
facebook
share this

Terrence Romeo sa haters: Wala kaming paki sa inyo, basta kami walang iwanan!

- July 04, 2018 - 12:10 AM

UMANI ng batikos ang basketball player na si Terrence Romeo matapos magbitiw ng mga maaanghang na salita tungkol sa nangyaring rambol sa FIBA World Cup Asian qualifiers.

Wala raw siyang pakialam kung isipin ng madlang pipol na “embarrassing” o nakakahiya ang ginawa ng kanyang team sa loob ng hardcourt habang nakikipagbakbakan kontra Team Australia last Monday sa Philippine Arena.

“Dun sa mga kapwa namin players na nag sasabing embarassing kami wala kaming pakialam sa inyo . Kami mag kaka teammate sa loob kailangan namin mag tulungan. Hindi namin pwede pabayaan yung isat isa. Kung embarassing kami sa mata niyo bat di kayo mag convert ng australian.

“Kahit anong sabihin niyo nag lalaro kami para sa isat isa para sa kapwa natin pilipino higit sa lahat para sa bayan.

“Hindi niyo alam ang sacrifice namin Kung para sainyo mali tulungan namin yung kakampi namin sinasaktan problema niyo na yun basta kami walang iwanan tapos!!!”

Hindi nagustuhan ng mga netizen ang ipinakitang kaangasan ng kontrobersyal na basketball player, sa halip na magpakumbaba na lang ay tila nagyabang pa ito. Pwede naman daw manindigan si Terrence sa ipinaglalaban ng Gilas nang hindi nagyayabang.

Trending pa rin hanggang kahapon ang nasabing isyu, at ilang netizens pa ang nag-tag kay Vice Ganda ng mga balita tungkol sa rambulan. Open book naman ang pagkaka-link noon ng Unkabogable Star kay Terrence.

Maraming nagtanong kung ano ang reaksyon ni Vice sa nangyari, pero wala siyang sinagot sa mga ito. Pero feeling ng netizens ang tweet niyang “#KAPAYAPAAN” ang tugon niya sa issue.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending