MAGSISILBING reunion nina Ruru Madrid at Kylie Padilla ang pagpasok ng kanilang mga character sa GMA Telebebad series na The Cure.
Unang nagkasama ang dalawang Kapuso stars sa fantasy series na Encantadia dalawang taon na ang nakalilipas. Pero sabi nga ng kanilang mga supporters, may bisa pa rin ang magic ng kanilang tambalan.
Ayon kay Ruru, “Actually, kami ni Ky after Enca ngayon lang kami ulit nagkita kasi medyo matagal na, parang magtu-two years na rin. Kaya nakakagulat, na-meet ko na rin si Alas (anak nina Kylie at Aljur Abrenica) tapos sobrang cute, and sobrang na-excite talaga akong makatrabaho ulit si Kylie kasi iba ‘eh, iba pa rin talaga.”
Ayon pa sa binatang aktor, na-miss niyang katrabaho ang Team Enca na siya ring nasa likod ngayon ng seryeng The Cure under Direk Mark Reyes, “Yung team kasi na ‘to, Team Enca tapos ang tagal ko silang nakatrabaho, so ang saya lang na parang may reunion kami.”
Handang-handa na rin daw si Ruru sa bagong challenge na haharapin niya sa The Cure at looking forward na siya sa maakasyong eksena nila ni Kylie. Feeling niya, talagang at home na siya sa aksyon.
“Lahat naman ng ginagawa ko puro action, simula Encantadia, Alyas Robin Hood, Sherlock, tapos ito. Well, sobrang ini-enjoy ko rin naman ‘yun, kasi feeling ko ito talaga ‘yung forte ko, dito talaga ako nag-eenjoy,” sabi pa ni Ruru sa panayam ng GMA 7.
Hirit pa niya, “Hindi trabaho ‘yung naiisip ko rito kung ‘di parang nag-eenjoy lang ako. Kasi ever since naman talaga, gusto ko talaga maging action star.”
Parehong game sa mga buwis-buhay na eksena sina Ruru at Kylie kaya siguradong mas pahihirapan pa sila ni direk Mark sa kanilang mga fight scenes.
Tutukan ang pagpapatuloy ng The Cure sa GMA Telebabad after 24 Oras at alamin kung paano makakatulong sina Kylie at Ruru sa pagkalat ng killer virus. Alamin din kung kakampi ba sila o kaaway nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.