Juliana Segovia waging 2018 miss Q&A sa Showtime; Vice napaiyak sa 'Debattle' round | Bandera

Juliana Segovia waging 2018 miss Q&A sa Showtime; Vice napaiyak sa ‘Debattle’ round

Ervin Santiago |June 30,2018
facebook
share this

Juliana Segovia waging 2018 miss Q&A sa Showtime; Vice napaiyak sa ‘Debattle’ round

Ervin Santiago - June 30, 2018 - 05:11 PM

PASABOG ang ginanap na “Miss Q And A: The Final Answer…And I Thank You” ng It’s Showtime kahapon sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.

Opening number pa lang ng Kapamilya noontime show ay bonggang-bongga na with Vice Ganda’s version of “This Is Me” (mula sa Hollywood musical film na The Greatest Showman) na talaga namang pinalakpakan ng audience at pinuri ng mga netizen.

Habang kumakanta si Vice ay isa-isang naglabasan sa stage ang mga contestants para sa grand finals ng “Miss Q And A” suot ang kanilang mga pasabog na costume.

Umani ng magaganda at mga touching message ang production number ni Vice mula sa LGBT community dahil nga ipinaglalaban nito ang equality ng bawat tao sa mundo pati na ang pagiging matapang sa gitna ng pang-aalipusta ng mga taong walang magawang mabuti sa kapwa.

Waging 2018 Miss Q And A si Juliana Parizcova Segovia habang 1st Runner Up si Matrica Mae Matmat Centino at 2nd Runner Up naman si Lars Pacheco.


Nag-uwi si Juliana ng P1 million cash mula sa Vice Cosmetics, Retoke Package worth P500,000, Aficionado franchise, trip to Thailand for two at iba pang premyo kasama na ang bonggang-bonggang crown worth P300,000.

Nagmarka sa madlang pipol at mga hurado ang sagot ni Juliana tungkol sa pagmamahal niya sa kanyang ina during the final question.

Napaiyak naman si Vice habang nagsasagutan sa “Debattle” portion sina Elsa Droga at Juliana Segovia. Proud na proud daw kasi siya sa galing ng dalawang contestants pati na rin sa apat pang finalists.

Hindi pa man ginaganap ang grand finals ng Miss Q And A ay pasok na agad sa pelikula ni Vice sina Elsa at Juliana.

Ang grand finals ng “Miss Q&A” ay bahagi pa rin ng selebrasyon ng Pride Month sa bansa at ibandera sa buong universe ang LGBT identity.

Nagsilbi namang hurado sa Miss Q And A sina Boy Abunda, Korina Sanchez, Karylle, Paul Cabral, Brandon Vera, Jugz and Teddy, Catriona Gray, Pokwang, JM de Guzman at Nicole Cordoves.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending