Baby boy ang anak nina Ellen at John Lloyd? | Bandera

Baby boy ang anak nina Ellen at John Lloyd?

|June 30,2018
facebook
share this

Baby boy ang anak nina Ellen at John Lloyd?

- June 30, 2018 - 12:01 AM

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

KUMALAT kahapon ang balita na nanganak na raw si Ellen Adarna sa panganay na anak nila ni John Lloyd Cruz.

Ayon sa ulat, isang bouncing baby boy ang isinalang ni Ellen last Wednesday, tatlong araw pagkatapos i-celebrate ni John Lloyd ang kanyang birthday.

Base sa mga nabasa naming post sa social media mula sa ilang followers ni Ellen, nanganak ang sexy actress sa Chong Hua Hospital sa Cebu. Habang sinusulat namin ang balitang ito, wala pang kumpirmasyon mula sa kampo nina Ellen at Lloydie.

Kamakailan, no show muli si Ellen sa hearing ng mga kasong isinampa sa kanya ng mga magulang ng menor de edad na ipinahiya niya sa social media. Isa sa mga dahilan ng abogado ng aktres ay maselan daw ang pagbubuntis nito kaya pinayuhan ng doktor na huwag nang dumalo sa hearing.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending