Gabby: Mahirap gumanap na beki, dapat ma-feel mo yung puso nila! | Bandera

Gabby: Mahirap gumanap na beki, dapat ma-feel mo yung puso nila!

- June 30, 2018 - 12:01 AM

GABBY EIGENMANN AT GLAIZA DE CASTRO

MAS mahirap at mas challenging para kay Gabby Eigenmann ang pagganap niya bilang bading sa top-rating afternoon series ng GMA na Contessa.

Sa unang bahagi ng programa, nakilala ng manonood ang karakter ni Gabby bilang si Vito, isang closet gay na leader ng sindikato at mortal na kaaway ni Contessa na ginagampanan ni Glaiza de Castro at lover ni Wilson played by Phytos Ramirez.

Dumalaw kami sa taping ng Contessa kamakailan kasama ang ilan pang piling miyembro ng entertainment press at nakachika doon nga namin si Gabby na in character pa sa pagsagot sa mga questions sa kanya.

Tinanong namin ang magaling na Kapuso actor kung ano ang pinakamahirap na challenge sa pagganap bilang bading, “Ang mahirap gawin kapag nagpo-portray ka ng gay role, I think is to have a heart. ‘Yung puso nila kung paano sila magmahal, kung paano sila masaktan.

“Like what I always say, madali lang magkilos bakla, eh, pero ‘yung emosyon nila siyempre, hindi naman ako ano… pero ang hirap to be in their position or to portray or act how they feel or how they love. I think ‘yun ‘yung mas difficult.

“Buti na lang I have friends who are gay, who would share their experiences in life, who would share their knowledge about when and how did they become they are now. Kasi you always look for the back story. Kapag nalaman mo ‘yung back story, mararamdaman mo. ‘Ah okay, so ito ‘yung pinanggagalingan nila.’

“Minsan, nagkakatugma kaya minsan kailangan you have to know, to feel what they feel. ‘Yun ang pinakamahirap,” paliwanag ni Gabby.

At kahit daw mahihirap at buwis-buhay ang mga eksena nila ni Glaiza sa serye ay nagiging madali pa rin dahil gamay na gamay na nila ang isa’t isa. Kahit nga raw nagkakasakitan na sila ay walang problema basta para sa Contessa at sa kanilang viewers.

Sa katunayan, nagkapasa nga raw si Gabby sa dibdib dahil sa takong ng sapatos ni Glaiza nang gawin nila ang isang fight scene kamakailan. Pero sey ng aktor, all for the love of Contessa.

Pinuri rin ni Gabby ang gumaganap na lover niya sa Contessa na si Phytos Ramirez. Bilib daw siya sa aktor dahil napakalaki na ng improvement sa akting nito.

“Nag-level up na talaga siya at natutuwa ako kasi he’d always acknowledge kung ano yung natututunan niya sa bawat eksenang ginagawa namin. Lagi kong sinasabi sa kanya na isapuso lang niya yung mga eksena namin.

“At lagi kong sinasabi sa kanya na hindi kita lalamunin, I will lift you up. Actually kahit hindi ko na nga gawin kasi he can stand his ground,” kuwento pa ni Gabby.

“Kumbaga kaya na niyang sumabay. Oo, that’s good kasi we build connections already sa isat’ isa,” dagdag pa ng Kapuso actor na muling pinatunayan ang kanyang versatility bilang aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood pa rin ang Contessa sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending