JoshLia grabe kung maglambing kaya kapag magkasama...patay!!! | Bandera

JoshLia grabe kung maglambing kaya kapag magkasama…patay!!!

Reggee Bonoan |June 30,2018
facebook
share this

JoshLia grabe kung maglambing kaya kapag magkasama…patay!!!

Reggee Bonoan - June 30, 2018 - 12:01 AM

JULIA BARRETTO AT JOSHUA GARCIA

INAMIN ng ina ni Julia Barretto na si Marjorie na tinext siya ni Kris Aquino habang nasa shooting sila ng pelikulang “I Love You, Hater” para sabihing blessed siya sa pagkakaroon ng anak tulad ng dalaga.

Kuwento ni Marjorie, “Kris is such a good mother so for one mother like her you know to tell me, to text me that way about me being a mother on how am I being a mother to Julia means a lot. She’s really, really so sweet.”

Sobrang proud ang ina ni Julia dahil hardworking daw ang anak niya at lagi lang niyang pinapaalalahanan ang dalaga na alagaan ang sarili dahil minsan ay nalilimutan nitong kumain.

Kung minsan naman ay isang beses lang itong kumain sa isang araw at wala pang tulog kung minsan.

Nabanggit din ni Marjorie na wala siyang problema kay Joshua Garcia na ka-loveteam ni Julia dahil, “Both of them are very hardworking, alam naman ‘yun ng mga bata, they’re on the right track.”

Open din daw ang komunikasyon nilang mag-ina at maraming nagtatanong kung bakit ganu’n sila ka-close ni Julia, “I don’t know how it works but really works well but I think, the friendship is there,” nakangiting sabi ni Marjorie.

Ano na ang estado ng relasyon nina Joshua at Julia? “I think they’re too sweet. Ha-hahaha! Malambing kasi sila, si Joshua, naturally malambing, si Julia ganu’n din tapos kapag nagkasama, patay, di ba? Well we should be happy, they’re happy,” masayang sabi ng mommy ng batang aktres.

May nakita nga kaming litrato ng magka-loveteam kung saan nakataas ang kamay ni Julia habang nakahawak ang kamay ni Joshua sa kilikili ng dalaga. Ganu’n na sila ka-sweet at kakomportable sa isa’t isa.

Habang sinusulat namin ang kolum na ito ay nasa Honolulu, Hawaii pa rin sina Joshua at Julia para sa ASAP Live In Honolulu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending