Kris pumapag-ibig: Bicolanong abogado ang bagong manliligaw
PUMAPAG-IBIG na nga ba ang Queen of All Media na si Kris Aquino?
Nali-link ngayon si Kris kay Atty. Gideon Peña matapos magpalitan ng sweet messages sa kanilang social media accounts. Kinilig ang kanilang mga followers sa kanilang mga hugot tungkol sa usaping love.
Nagsimula ang magandang relasyon ni Kris sa gwapong abogado nang ipagtanggol ni Atty. Gideon ang kanyang amang si Benigno “Ninoy” Aquino laban kay Mocha Uson. Ito ‘yung tungkol sa pagkukumpara sa paghalik ng dalawang babaeng kasakay sa eroplano ni Ninoy sa kissing photo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang OFW sa Korea.
Nag-post si Kris sa kanyang Instagram account ng isang quote card na may nakasulat na, “Don’t rush into love, because even in fairytales, the happy ending takes place on the last page.”
Sumagot naman dito si Atty. Peña, aniya, “True love doesn’t have a happy ending because true love never ends.”
Nag-post din ang abogado sa kanyang IG account ng isang hugot line na, “Sana sa susunod na paglingon ay nariyan ka.” Sagot naman dito ni Tetay, “Atty G – if this is for me, wait lang please – I’m shooting for @samsungph now… but if it’s not – she’s a very lucky girl. (Sorry ha, the original Twitter posts were already sent to me by several people & this now popped up on my phone. Change of setup so I got to check IG).”
Ito naman ang reply ni Atty. Peña, “It’s just a shout into the void. The things I really mean are sent in private. P.S. Check your viber.”
Balitang nag-date na raw ang dalawa base na rin sa ipinost na litrato ng Bicolano lawyer na kahit tinakpan ng emojis ang mga mukha ng nasa photo ay halata namang silang dalawa yun ni Kris.
Si Atty. Gideon Peña ay tubong-Legazpi, Albay, kumuha ng Political Science sa UST-Legazpi at nagtapos ng Bachelor of Laws sa Far Eastern University Institute of Law.
In fairness, maraming kinilig sa palitan ng hugot nina Kris at Gideon at ang wish nila sana’y natagpuan na nga ng mommy nina Joshua at Bimby ang kanyang “the one” at “forever” sa katauhan ng gwapong abogado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.