Abueva, Romeo maglalaro sa Gilas kontra Chinese-Taipei | Bandera

Abueva, Romeo maglalaro sa Gilas kontra Chinese-Taipei

Angelito Oredo - June 29, 2018 - 12:05 AM

 

Hunyo 29 sa Taipei
Heping Basketball Gym, Taipei, Taiwan
7 p.m. Chinese-Taipei vs Gilas Pilipinas
Hulyo 2 sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan
7:30 p.m. Pilipinas vs Australia
Team Standings:
Group A: China (3-1); New Zealand (3-1); South Korea (2-2); Hong Kong (0-4)
Group B: Australia (4-0); Philippines (3-1); Chinese-Taipei (1-3); Japan (0-4)
Group C: Jordan (4-0); Lebanon (3-1); Syria (1-3); India (0-4)
Group D: Iran (3-1); Kazakhstan (3-1); Qatar (1-3); Iraq (1-3)

NAKASIGURO si Calvin Abueva ng isang silya gayundin ang nagbabalik na si Terrence Romeo para sa Gilas Pilipinas sa isinumite nitong komposisyon para sa ikalawang paghaharap kontra Chinese Taipei sa third window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Makakasama nina Abueva, na sinuspinde ng kanyang PBA team na Alaska Aces, at Romeo, na di nakapaglaro sa second window dahil sa injury, sa koponan sina Jayson Castro, RR Pogoy at Troy Rosario.
Kabilang din sa lineup sina Gabe Norwood, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Matthew Wright, Jio Jalalon, Allein Maliksi at ang naturalized Pinoy na si Andray Blatche.

Hindi naman napabilang sina Baser Amer, Carl Bryan Cruz at ang cadet pool player na si Troy Rike.
Asam ng Gilas Pilipinas na mawalis ang Chinese Taipei sa Asian Qualifiers matapos na mauwi ang 90-83 panalo noong Nobyembre.

Samantala, itotodo ng Chinese-Taipei ang buong lakas nito sa pagsagupa ngayong gabi sa Gilas Pilipinas na gaganapin umpisa alas-7 ng gabi sa Taipei Heping Basketball Gymnasium sa Taiwan.

“This is their qualification game. If they beat us they get into the next round, so we know that Chinese Taipei is going to throw everything at us on Friday. It’s incumbent upon us to be just as ready and sharp as well,” sabi ni Gilas coach Chot Reyes patungkol sa Taiwanese na itinago ang kanilang pagsasanay sa pagtungo sa South Korea.

Dahil importante para sa Taiwan ang labang ito ay “sold out” ang tiket tatlong oras pa lamang matapos simulan ang pagbebenta.

Kapag nanalo kasi ang Taiwan (1-3) ay uusad na ito sa susunod na round kasama ng Pilipinas (3-1) at Australia (4-0). Malalaglag naman ang huling koponan sa Group B na Japan (0-4).

Kapag natalo ang Chinese Taipei ngayon ay may pagkakataon pang makapasok ang Japan.
Ang huling laro ng Chinese Taipei sa Group B ay kontra Japan na kanilang tinalo noong Pebrero 22 sa iskor na 70-69.

Sa unang paghaharap ng Gilas Pilipinas at Chinese-Taipei noong Nobyembre 27, 2017 sa Araneta Coliseum ay umiskor ng 20 puntos si Castro at si Fajardo naman ay may 17 puntos.

Tanging apat na miyembro ng Chinese Taipei national squad ang nakalaro sa apat nitong laro sa preliminary round kabilang ang naturalized na si Quincy Davis III, 6-foot-4 forward Chou Yi-Hsiang, 6-foot-5 Chinese Basketball Association (CBA) veteran Hu Long-Mao at si Kai Yan-Lee na hindi makakalaro sa ikatlong window dahil sa injury.

Nagbabalik din ang ilang dating mainstay kabilang sina 2013 FIBA Asia Championship veteran Tseng Wen-Ting, shooter Douglas Creighton at wingman Cheng Ying-Chun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Surpresa rin na idinagdag ang 18-anyos Taiwanese-American na si Jonah Morrison na nagpakita ng husay sa 2017 FIBA 3×3 U18 tournament sa Chengdu, China. Ang 6-foot-8 na si Morrison ay maglalaro sa unang pagkakataon sa senior team matapos maglaro sa youth program simula 15-anyos.

Mayroon sa kasalukuyan na 18 miyembro ang Taiwanese team na pipiliin din ng head coach na si Chou Chun-San ang magiging pinal na 12 lalaro sa ikatlong window ilang oras bago ang kanilang laban ng Gilas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending