TAMARAWS wagi sa WARRIORS | Bandera

TAMARAWS wagi sa WARRIORS

Mike Lee - June 30, 2013 - 03:51 PM

Mga Laro Ngayon
(SM Mall of Asia Arena)
2 p.m. Adamson vs UP
4 p.m. Ateneo vs NU

MAHUSAY na pagbuslo sa free throw line ang kinapitan ng University of Santo Tomas para maitakas ang 63-58 overtime panalo laban sa De La Salle University sa pagbubukas ng 76th UAAP men’s basketball kagabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nakatulong din ang magandang depensa ni Clark Bautista kay LA Revilla na nagresulta sa backing violation sa huling 9.3 segundo para makasalo ang Tigers sa FEU sa mga nanalo sa unang araw ng liga.

Bumangon ang Tamaraws mula sa mahinang paglalaro sa first half para palasapin ng 89-78 pagkatalo ang sinasabing palaban sa titulo na University of the East sa unang laro.

May 23 puntos, 12 assists at 9 rebounds si Terence Romeo habang ang beterano ring si RR Garcia ay nagdagdag ng 18 puntos, kasama ang tatlong tres.

Sa ikatlong yugto nanibasib ng puntos ang tropa ni first year coach Nash Racela matapos magtala ng 29 puntos upang ang 32-37 iskor sa halftime ay naging 61-54 matapos ang tatlong yugto.

May 22 puntos si Roi Sumang,  17 ang ibinigay ni Ralf Olivares habang ang 6-foot-7 na si Charles  Mammie ay may 12 rebounds at pitong puntos.

Pero natawagan si Mammie ng kanyang ikaapat na foul sa ikatlong yugto para lumamya ang depensa ng Red Warriors.
Lamang na sa 54-44, ang Tigers sa huling yugto pero lumaban pa rin ang Archers at ang magandang pasa ni Revilla para kay Jason Perkins ang nagpatabla sa dalawang koponan sa 51-all.

May 23 puntos, 6 rebounds at tig-3 assists at steals si Jeric Teng habang si Karim Abdul ay nagtala ng 17 puntos, 10 rebounds, 3 blocks at 2 steals para pamunuan ang tropa ni UST coach Alfredo Jarencio na balak na makarating uli ng Finals sa taong ito.

Sina Perkins at Almond Vosotros ay may tig-13 puntos pero hindi sapat ito para ipatikim sa bagong head coach na si Juno Sauler ang kanyang unang panalo sa liga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umabot sa 17,985 ang mga nanood sa liga na unang pinagningning ng magarang palabas na inihanda ng host Adamson University sa opening ceremony.

Magpapatuloy ang aksyon ngayong hapon sa pagkikita ng Adamson at UP sa ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng mas mainit na labanan ng five-time defending champion Ateneo at itinalagang team-to-beat na National University dakong alas-4 ng hapon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending