Jessy, Luis 2 taon nang magdyowa, ‘nag-honeymoon’ sa Europe
SINUSULIT nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kanilang mala-honeymoon na bakasyon sa Europe.
Komento ng mga social media followers ng mag-dyowa, parang mag-asawa na raw kasi ang mga ganap sa dalawang Kapamilya stars kaya tinawag nilang “honeymoon” ang pag-iikot ng mga ito sa Europa, ito’y base na rin sa mga sweet photos nila sa Instagram.
Doon ipinagdiwang nina Luis at Jessy ang kanilang 2nd anniversary bilang couple. Unang nilibot ng magkasintahan ang Paris, France, pagkatapos ay nag-stop over naman sila sa Italy.
Nag-post ng kissing photo nila ni Jessy si Luis sa IG with his touching anniversary message para sa kanyang GF. Sey ng TV host-comedian, “Happy 2nd anniversary to my Howhow @senorita_jessy!
“Thank you for being the best travel partner, dive buddy (even if nanghahabol ka ng barracuda) and howhow in life,” dugtong ng binata.
“I always thank God you went to my birthday party 2 years ago (kahit na ayaw mo naman talaga) I howhow you!!! Oh, thank you for taking me to Europe,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.