CBRC Dream Theater bukas na, bininyagan ng 'Larawan' | Bandera

CBRC Dream Theater bukas na, bininyagan ng ‘Larawan’

Jun Nardo - June 24, 2018 - 12:35 AM

AMINADO ang review center magnate na si Dr. Carl Balita na nakaranas siya ng problema pagdating sa pagkakaroon ng sinehan sa commercial establishments nang i-produce niya ang mga pelikulang “Nars” at “Maestra.”

Kaya naman upang mabigyan ng solusyon ang kalakarang ito at matulungan ang mga producers lalo na ng indie films, nagbukas si Dr. Balita ng isang microcinema – ang CBRC Dream Theater na nasa 3/F ng Carmen Bldg, 881 G. Tolentino St. malapit sa Espana Blvd. at University Belt.

“Gusto naming magkaroon ng lugar ang maliit na produksyon para sa gayon, mapanood sila ng mas maraming tao. Ang gusto ko pong sabihin, itong lugar na nakikita niyo ay kaya naming i-multiply sa isang daang lugar o higit pa dahil ang CBRC ay nasa 104 cities in the Philippines.

“Name a city and we are there! Meron kaming ganitong pasilidad. A little additional investment on the projector, the good sound system, but more importantly the passion to help the small filmmakers,” rason ni Dr. Carl sa blessing at opening ng itinayong sinehan.

Ang award-winning movie na “Ang Larawan” ang unang ipinalabas sa Dream Theater. Present ang producers na sina Celeste Legaspi at Girlie Rodis sa event. May kapasidad na 200-250 persons ang puwedeng manood at ang ticket price ay P150 lang. Ang screening ay magsisimula ng 6 p.m. o mas maaga pa depende sa pag-uusap nila ng mga producers.

Pero kahit nagkaroon ng problema sa distribution ng mga pelikulang ipinrodyus, hinahanda na ngayon ang bagong movie ng Dr. Carl Balita Productions.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending