Angelica sa lovelife: Tumatanggap na po ako ngayon ng applicants!
MUKHANG ready na uling magmahal at magka-boyfriend si Angelica Panganiban.
Sa kanyang social media account, nag-post ang aktres ng litrato ng kanyang kama na may nakaguhit na stick figure ng isang babaeng nakahiga.
Nakasulat din sa litrato ang mga salitang “for rent” at “for lease”. Sey pa ni Angelica, “Announcement: baka may kakilala kayo? Negotiable ang terms ko. Tumatanggap na ako ng applicants!”
Kamakailan, ibinahagi rin ni Angelica sa kanyang followers na maganda ang kanyang gising dahil may isang taong nagpakilig sa kanya, “Good Morning [smiley emoji] hahaha [smiley emoji] kinikilig ako. Hahahahaha! Salamat sa umaga! Hahahahaha!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.