Matinding pag-ulan naranasan sa Metro Manila, mga kalapit na lalawigan
NAKARANAS ngayong hapon ng matinding pag-ulan ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, ayon sa state weather bureau.
Sinabi ni Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na bukod sa Metro Manila, kabilang sa mga nakaranas ng malalakas na pag-ulan ang Rizal, Bulacan, Laguna, Quezon, Batangas, at Pampanga.
Tumagal ang nakapalakas na pag-ulan ng tatlong oras.
Idinagdag ng Pagasa na inaasahan din ang mga pag-ulan sa Zambales, Bataan, Cavite, Tarlac, at Nueva Ecija na tatagal ng tatlong oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.