DINUKOT ng mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf ang madrasta at half sister ng mayor ng bayan Talipao, Sulu, kaninang madaling araw.
Kinumpirma ni Talipao Mayor Nazer Tulawie ang pagkakadukot sa kanyang stepmother na si Addang, 60, at half sister na si Edelyn.
Idinagdag ni Tulawi nalaman nila ang insidente ganap na alas-3 ng umaga kahapon, isang oras matapos dukutin ang kanyang mga kapamilya ng tinatayang 20 bandido, na nanloob sa bahay nina Addang sa Barangay Kandaga.
“It’s a village very far from poblacion. I was told Abu Sayyaf men took my stepmother and half sister,” sabi ni Tulawie.
Naniniwala si Tulawie na tinarget ang kanyang pamilya bilang pagganti sa kanya ng Abu Sayyaf.
“The Abu Sayyaf are mad at me because we are helping the soldiers in eliminating them in our place. The only way to get even is to kidnap my family and relatives,” dagdag ni Tulawie.
Sinabi ni Brigadier General Divino Rey Pabayo, chief ng Joint Task Force Sulu, na nagpakalat na ang militar ng Special Forces at Scout Rangers para mailigtas ang mga biktima.
Idinagdag ni Pabayo na base sa ulat na kanilang nakuha, na nasa ilalim ng Hatib Hajan Sawadjaan ang mga lumusob na Abu Sayyaf at pinamumunuan ng isang Indimar Mangkabong.
“We sent troops who are familiar with the area, it’s been a while since the last kidnapping,” ayon pa kay Pabayo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.