NAIS ni Pangulong Duterte na lagyan ng babala ang lahat ng mga inuming sagana sa asukal na delikado ang mga ito sa kalusugan.
Sa isang briefing sa Malacanang, sinabi Trade Secretary Ramon Lopez na inaasahang maipapatupad ang kautusan ni Duterte sa loob ng dalawang buwan.
“Kasi ang kuwento niya, si Presidente, iyong stock. Ako talaga napi-feel ko iyong concern niya doon sa tao. Sinasabi niya, ‘naku iyan pa naman iyong nireregalo…’ siya ang nagsabi niyan, ‘iyan pa naman ang nireregalo sa mga auntie – iyong mga matatanda – tapos iyon pala ang binibigay mo purong sugar pala iyon. Tapos sila naman timpla nang timpla, tapos iyong kinamatay diabetes…So he is really concerned na… kung ito ay naibibigay lamang ng walang warning,” sabi ni Lopez.
Idinagdag ni Lopez na makikipag-ugnayan ang DTI sa Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH) kung ano-anong produkto ang dapat lagyan ng health warning.
“Unang-una, we identify, anong produkto ito, iyong talagang halos sugar lang ang laman. Iyong mga high sugar din, you know marami ring—if you look at the internet, I Googled it ang daming mga high-sugar products, food and beverages. So, we will have to select ano talaga dito, especially kung ang main ingredient is sugar and it’s not really clear on that product. So, it becomes really a health risk,” ayon pa kay Lopez.
Niliwanag naman ni Lopez na walang problema sa kalusugan si Duterte na may kaugnayan sa asukal.
“Dahil napag-usapan po, isa dito sa product na na-cite na tumaas ay iyong… banggitin ko na iyong Tang, which is just a representation nung lahat nung powder juice drink. Tapos sabi niya ay… ‘oh ba’t tumaas?’ Kasi ito nga iyong may excise tax, bakit may excise tax, kasi ho high sugar po iyan… it’s really mainly sugar. So sabi niya ‘aba delikado pala iyan.’ …’ iyon nga binanggit niya, truth in advertising or truth in labeling. So, dapat ibandera rin iyon,” ayon pa kay Lopez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.