NAKATANGGAP ang Philippine National Police (PNP) ng mahigiit 200 aplikasyon mula sa mga pari at pastor para makapagdala ng baril, ayon kay police chief Dir. Gen. Oscar Albayalde.
Inihayag ito ni Albayalde mahigit isang linggo matapos ang brutal na pagpatay kay sa pari ng Nueva Ecija na si Fr. Richmond Nilo, ang ikatlong kaso ng pagpatay sa mga pari sa nakalipas na anim na buwan.
“At least 246 have filed permit to carry firearms outside their residences. Of these, 188 are priests while 58 are ministers, preachers and pastors,” sabi ni Albayalde.
Inalis ang gun ban noong Mayo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.