'Magbabago ba ang ekonomiya ng Pilipinas kung nanganak na nga si Ellen Adarna!?' | Bandera

‘Magbabago ba ang ekonomiya ng Pilipinas kung nanganak na nga si Ellen Adarna!?’

Cristy Fermin |June 20,2018
facebook
share this

‘Magbabago ba ang ekonomiya ng Pilipinas kung nanganak na nga si Ellen Adarna!?’

Cristy Fermin - June 20, 2018 - 12:30 AM

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

ARAW-ARAW na lang ay may lumalabas na kuwento na nanganak na raw si Ellen Adarna. Pero walang detalye kung ano ang naging anak nila ni John Lloyd Cruz, lalaki ba o babae, sino raw ba ang kamukha ng kanilang produkto?

Hindi nanggagaling sa dalawa ang impormasyon, may mga nakikisawsaw lang sa istorya, kaya araw-araw ay lumalabas ang kuwentong nanganak na raw ang sexy actress.

Sa kalalabas ng balitang nanganak na si Ellen Adarna ay nakakaawa naman ang magiging anak nila ni Lloydie. Nasa sinapupunan pa lang ito ng kanyang ina ay inuunahan na ang sanggol.

Sabi’y lumabas na raw ito, pero hindi naman pala, kaya maraming nagsasabing baka hindi na nga lumabas ang binhi sa sinapupunan ni Ellen nang maluwalhati.

Pero may punto ang kaibigan naming propesor, “O, e, ano naman ngayon kung nanganak na nga o hindi pa si Ellen Adarna? Magbabago ba ang takbo ng ekonomiya ng ating bayan kung na-nganak na nga siya?

“Meron pa bang interesado tungkol sa lovelife ng mga ‘yan na akala mo naman anak ng reyna at hari ang inaabangang sanggol ng publiko?

“Malay at paki! Bahala na sila sa buhay nila! Di manganak na siya!” natatawang pahayag ni prop.

Mismo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending