That’s My Tambay winner Emil Paden recording artist na | Bandera

That’s My Tambay winner Emil Paden recording artist na

- June 20, 2018 - 12:35 AM

NAGBABALIK sa mundo ng showbiz ang talentadong singer-actor na si Emil Paden.

Sa mga hindi pa nakakakilala kay Emil, siya ang itinanghal na grand winner sa “That’s My Tambay” ng Eat Bulaga four years ago. Ang kakaibang karisma at taglay niyang talento ang talagang hinangaan sa kanya ng mga manonood.

Ngayong 2018, muling papagitna on stage si Emil up-ang iparinig sa buong mundo ang kanyang mga kanta.

Before stepping into the music limelight, Emil was a jack of all trades. Bukod kasi sa pagkapanalo niya noon sa “That’s My Tambay,” nagkaroon din siya ng chance na umarte sa harap ng camera. He appeared in widely-loved TV shows like Maynila at Idol Ko Si Kap sa GMA 7, at sa Wildflower ng ABS-CBN. Makakasama rin siya sa pelikulang “Ang Bayan Ko” na isa sa official entry sa QualiCinema Film Festival. Gaganap siya rito bilang si Gen. Miguel Montero.

Naging bahagi rin si Emil ng SOP Boys, ang boy group na regular na nagpe-perform noon sa Sunday noontime show ng GMA na SOP. Sumali rin siya sa dance contest ng It’s Showtime na “Dancing In Tandem”.

At ngayong taon nga, ipagpapatuloy lang ni Emil ang kanyang passion sa music as he took on another challenge – ang pagiging recording artist. Magkakaroon na siya ng eight-track album entitled, “Ako Naman…Emil” na isang collection of moving love songs na siguradong bibihag sa puso ng bawat Pinoy.

“Ako Naman”, the first single to come out from the album, talks about unrequited affection and the hope of having that chance to be loved back. Ito’y isinulat ni Robster Evangelista, na palagi nang napapakinggan ngayon sa sa mga radio station. Sa darating na na June 22, his full album “Ako Naman…Emil” distribu-ted by CURVE Entertainment, will be released on digital platforms worldwide.

Kabilang din sa album ang mga kantang “Kumusta Ka”, composed by Lito Camo, “Ang Iyong Pagmamahal”, “Sabihin Mo Sa Akin”, written by Jessa Mae Gabon, ang classic OPM hit na “Lumayo Ka Man Sa Akin” (original ni Rodel Naval) na binigyan ng Spanish guitar arrangement ni Jun Tamayo na siya ring co-producer ng album along with veteran record executive Reck Cardinales.

Also in the album are “Someone To Love Me Forever” written and originally recorded by soul and R&B artist Chris Walker, “Ikaw Pala” and “Mukha Ng Pili-pina”, written by Robster Evangelista.

The executive producer of the album is Malou Roxas (Maria Leonora G. Roxas) and will be digitally released on Spotify, iTunes, Apple Music, Amazon and Deezeer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending