ARA MINA ayaw pang pakasalan ng dyowang mayor: Hindi pa ako pumapasa sa test niya! | Bandera

ARA MINA ayaw pang pakasalan ng dyowang mayor: Hindi pa ako pumapasa sa test niya!

Ervin Santiago |June 30,2013
facebook
share this

ARA MINA ayaw pang pakasalan ng dyowang mayor: Hindi pa ako pumapasa sa test niya!

Ervin Santiago - June 30, 2013 - 08:00 AM

Mariing pinabulaanan ni Ara Mina na ikinasal na sila ng dyowang si Bulacan Mayor Patrick Meneses sa ibang bansa at sila’y nakatira na ngayon sa iisang bubong.

Ayon sa mga chika, nang pumunta raw sila ng politiko sa Malaysia ay nagdesisyon na silang magpakasal. Sey ni Ara, hindi raw nila itatago ang ganu’ng klase ng okasyon sa mga taong sumusuporta sa kanila.

“Natatawa nga ako, ano ba ‘yan! Kung meron namang magaganap na ano (kasalan), bakit di ko ipaaalam, di ba? Bakit pa isi-secret?” pahayag ni Ara sa interview ng programang Ang Latest ng TV5.

Wala pang proposal sa kanya, “So, huwag natin madaliin, may mga bagay pang kailangang asikasuhin. Huwag natin siyang pangunahan, baka napi-pressure tuloy yung tao sa inyo.”

Totoong napag-uusapan na nila ang kasal pero, “May inaano pa kaming mga bagay-bagay, pero napapag-usapan naman namin. Pero may isa pa raw test na hindi pa raw ako pumapasa. Ha-hahaha! Joke!”

Sana raw ay sila na nga ang magkatuluyan sa huli, “I guess so, bagay naman siguro kami. Sana siya na para tahimik na ang lola!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending