Pagkontra ni Benjie sa pakikipagbati ng 2 anak kay Jackie 'fake news' | Bandera

Pagkontra ni Benjie sa pakikipagbati ng 2 anak kay Jackie ‘fake news’

|June 19,2018
facebook
share this

Pagkontra ni Benjie sa pakikipagbati ng 2 anak kay Jackie ‘fake news’

- June 19, 2018 - 12:05 AM

“FAKE news” ang mga naglabasang chika na na-offend at na-bad trip si Benjie Paras sa pakikipag-ayos ng mga anak na sina Andre at Kobe Paras sa kanilang inang si Jackie Forster.

Ayon sa komedyante at dating PBA player, 100 percent ang suporta niya sa reunion ng mag-iina at walang katotohanan na nagalit siya sa kanyang dalawang anak nang magdesisyon ang mga ito na makipagbati na kay Jackie.

Sa panayam ng ABS-CBN sinabi ni Benjie na napakasaya nina Andre at Kobe nang muling maka-bonding ang kanilang ina, “Sa kanila naman nanggaling eh, so kung ano man ang desisyon nila, wala ako roon. Basta ako I will always support them and will always be happy for them.”

Kung ano raw ang gustong gawin ng kanyang mga anak ay nariyan lang siya para sumuporta, “Ang sa akin naman kasi kung saan sila masaya. When they were growing up, ang gusto nila ay maging basketball player and then nagpalit kay Andre dahil nauna ang showbiz.

“Pero now he is into basketball again, showbiz and basketball. He’s playing now for Maharlika and then Kobe is here again in the Philippines,” chika pa ni Benjie.

In fairness, maraming natuwa at na-touch nang bumandera sa social media ang mga litrato ng mag-iina na magkakasama at masayang nagba-bonding makalipas ang napakaraming taon nang hindi pagkikita.

Humanga rin ang madlang pipol kay Jackie dahil hindi siya sumuko na makapiling muli ang dalawang anak sa kabila ng mga hinarap niyang pagsubok.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending