Suicide note, P100,000 natagpuan sa opisina ni CONG. BENALDO; gustong magbago ang sistema? | Bandera

Suicide note, P100,000 natagpuan sa opisina ni CONG. BENALDO; gustong magbago ang sistema?

Jobert Sucaldito |June 30,2013
facebook
share this

Suicide note, P100,000 natagpuan sa opisina ni CONG. BENALDO; gustong magbago ang sistema?

Jobert Sucaldito - June 30, 2013 - 08:00 AM

True nga kaya ang nabalitaan namin na may dalawang suicide notes at P100,000 cash ang nakita sa ibabaw ng mesa ni outgoing Cagayan de Oro Rep. Benjo Benaldo after nitong magtangkang magpakamatay noon June 27 ng gabi sa loob mismo ng kanyang opisina sa Congress?

Base sa ulat ng ABS-CBN, may isang empleyado sa Batasang Pambansa na nakarinig sa putok ng baril sa opisina ni Cong. Benaldo bandang 8 p.m.. Dito na rin daw nagsigawan ang staff ng kongresista.

At nang puntahan na nga ng kanyang staff si Benaldo, duguan na ito at may tama nga ng bala as dibdib. Nakita rin daw ng mga ito ang sinasabing P100,000 at dalawang suicide notes sa mesa ng kongresista.

Ito diumano ang nilalaman ng suicide note, “This is the money for my cremation please cremate… my death is for electoral reform sana mabago na sistema.”

Wala pa itong kumpirmasyon mula sa kampo ng congressman at maging sa mga imbestigador ng PNP. Hintayin na lang natin ang susunod na kabanata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending