Van nahulog sa beach: 5 madre sugatan | Bandera

Van nahulog sa beach: 5 madre sugatan

John Roson - June 14, 2018 - 08:26 PM

LIMANG madre ang nasugatan nang mahulog sa kalsada at bumagsak sa beach ang sinasakyan nilang van, sa Cagwait, Surigao del Sur, kahapon.

Sugatan ang driver na si Sr. Lydia Altares, 45; at mga sakay niyang sina Srs. Joelen Garay, 26; Yustina Uran, 31; Maria Alfonsa, 29; at Sheera Pederano, 26, ayon sa ulat ng Caraga regional police.

Mula ang lima sa Our Lady of Pompei School ng Lianga, Surigao del Sur.

Naganap ang insidente alas-5, sa bahagi ng National Highway na sakop ng Sitio Hinayhayan, Brgy. Bacolod.

Minamaneho ni Altares ang berdeng Hyundai van (MCD-836) mula Lianga patungong Tandag City, nang mahulog ang sasakyan sa banging nasa gilid ng kalsada, at bumagsak nang pataob sa pampang.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing bigla na lang nawalan ng kontrol sa manibela si Altares, ayon sa pulisya.

Dinala ng mga rescue team ng Cagwait at Bayabas ang mga madre sa Adela Serra Ty Memorial Medical Center ng Tandag City, dahil sa pinsala sa iba-ibang bahagi ng katawan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending