Dingdong, Marian may binabalik-balikan sa Palawan

By Jun Nardo June 15,2018
share this

Dingdong, Marian may binabalik-balikan sa Palawan

By Jun Nardo June 15,2018
share this

MAGPAPAKALIGAYANG muli sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Palawan dahil du’n nila ise-celebrate ang Father’s Day. Para kay Dong, the best sa kanilang mag-asawa ang Palawan.

“Para sa aming dalawa, very significant ang Palawan, dahil nag-Dyesebel siya roon. So ang dami naming activities together doon na gusto naming binabalik-balikan,” pahayag ni Dong sa media launch ng ihu-host niyang programa na Amazing Earth.

Doon na kaya mabubuo ang kanilang second baby?

“Ha! Ha! Ha!” bulalas niya. “Sana, sana! Ha! Ha! Ha!” dagdag ng Primetime King.

Bukod sa Amazing Earth, pupunta siya sa Singapore sa June 24 para sa selebrasyon ng Philippine Independence Day. Inaayos na rin daw ang next teleserye niya na mapapanood na rin ngayong taon.

Pagdating sa pelikula after ng blockbuster na “Sid & Aya (Not A Love Story)” nila ni Anne Curtis, may dalawang projects na raw na in-offer at ipinresent sa kanya. Kasama ba rito ang pelikulang pagsasamahan daw nila ni Vice Ganda para sa 2018 Metro Manila Film Festival?

“Wala pa pong binibigay na detalye about that pero nabalitaan ko nga. Wow! That would be very nice pero with regards kung ano ang totoong mangyayari at kung ano ang proyekto, wala pa naman talagang kumakausap sa akin about that,” paliwang ni Dong.

Anyway, sa Amazing Earth, natutunan niyang bigyan ng respeto ang mga tao, hayop at kalikasan at ang planeta. Mapapanood ito sa June 17 pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending